Magkakapatid na Tulfo sinuspinde ng 20 days ng MTRCB

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng 20 days ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang T3 : Kapatid Sagot Kita, ang programa ng Tulfo Brothers na sina Raffy, Erwin at Ben matapos pagbantaan ng tatlo ang mag-asa­wang Raymart and Claudine Barretto na sangkot sa pambubugbog umano sa kapatid nilang si Mon Tulfo.

Nagsimula ang suspension kahapon, May 10. Ayon sa MTRCB, nilabag ng magkakapatid ang Presidential Decree 1986.

Pero matapang ang sagot ng TV5 sa nasabing suspensiyon. “MTRCB’s action of placing T3 under preventive suspension raises the question of what else, other than the disciplining of the anchors, the government aims to achieve.  The Tulfos have been sanctioned.  What else is there for government to resolve?  A preventive suspension suggests that the continued broadcast of the program would constitute a danger to the viewing public,” bahagi ng statement ng TV5.

Maui  gustung-gusto ang Korea

Bongga ang pagbalik sa eksena ng dating Viva Hot Babe na si Maui Taylor. Ang akala nating nanahimik at walang career ay biglang lumitaw at talbog ang mga ibang sexy stars dahil may baon pa siyang international movie, ang Korean movie na The Taste of Money kung saan gagampanan niya ang role ng isang OFW na naninilbihan sa makapangyarihang pamilya sa naturang bansa. Kasama niya sa pelikula ang mga kilalang Korean stars na sina Kim Kang-woo, Kim Hyo-jin, Baek Yoon-sik at Yoon Yeo-joong.

Excited na rin si Maui dahil nga invited na mag-compete ang nasabing pelikula sa 65th Cannes Film Festival na gaganapin na sa May 16 hanggang May 27.

Sa May 15 naman ito magkakaroon ng premiere sa Korea.

Napatunayan ni Maui ang kahusayan niya sa aktingan bilang hindi siya nag-audition sa role.

Nagustuhan ang akting niya at agad-agad, sinimulan ang shooting ng movie na umabot ng apat na buwan. At hindi siya nahirapang mag-adjust sa kultura ng Korea habang nagso-shooting sila roon. Para rin daw Pinoy ang Koreans, hospitable ang mga ito. Kaya naman madali siyang napamahal sa mga naka-trabaho niya,

Natuto na rin siyang magsalita ng Korean para mas madaling maka-relate sa kanyang mga nakatrabaho.

“The people, ‘yun medyo kapain kasi may language barrier. ‘Yun yung tala­gang number one na naghohold sa ‘yo eh. I had to learn their language somehow. Nag-aral din silang mag-English para lang magkaintindihan kaming lahat.”

At hindi man siya sa Hollywood gumawa ng pelikula, naramdaman naman niya kung paano ang sistema ng trabaho sa Hollywood dahil ganito pala ang sistema sa Korea. Sampung oras lang ang trabaho hindi tulad dito sa atin na walang cut off basta kailangang matapos ang mga eksenang kinukunan.

Anyway, hinihintay nang ipalabas sa bansa ang The Taste of Money.

P-NOY pinaglalaruan sa text

Pinaglalaruan sa text si President Noynoy Aquino. Kahapon may mga nag-text na kunu-kuno ay galing sa Noy-Noy Aquino Foundation Pantawid Pamil­yang Pilipino Program. Nakalagay sa text na nanalo ang nakatanggap ng text message ng P950,000.

Naku dapat imbestigahan ang mga ganito. Baka may mga maniwala lalo na ang mga tao sa probinsiya na umaasa sa tulong ng pamahalaan. Baka biglang dagsain ang Malacanang ng mga nagki-claim ng sinasabing premyo.

Personal

Binabati ni Mr. Ronnie Asis ng maligayang kaarawan ang mayor ng Sta. Elena, Camarines Norte na si Mr. Dominador Mendoza. Ngayong araw ang kanyang birthday. Happy birthday din Mayor. Cheers.

 

Show comments