Assunta tanggap na hindi na siya pang-bida

Masaya na si

Assunta de Rossi

kahit pa-guest-guest lamang siya sa TV. Ayaw din niyang patulan ang pang-iintriga na ginagawa sa kanila ng kapatid na si

Alessandra

dahil lamang mas marami itong trabaho at mukhang mas naaala­gaan sa

Kapuso Network

‘di tulad niyang mukhang napapabayaan na ng

ABS CBN.

“Okay lang sa akin, pana-panahon lang yan. Binibigyan din naman ako ng regular assignments sa ABS-CBN. I just finished Maria la del Barrio. Let Alex work dahil she supports herself. Ako I have a husband who supports me.  I only work dahil ayaw ko namang maging completely dependent on my husband. And acting is not work for me, it’s a passion that makes me happy,” anang aktres na tampok sa Wansapanataym ngayong Sabado kasama si Xyriel Manabat na siya namang tampok sa  pinaka-pinanonood na  seryeng pambata sa TV.

TV5 hindi nagpagamit sa mga Tulfo

Pinatunayan lamang ng Kapatid Network na hindi sila mag-aatubiling tawagan ng pansin at kondenahin ang sinuman sa mga tauhan nila na lumilihis sa kagandahang asal at sa Code of Ethics na ipinatutupad nila.

Nagpalabas ang pamunuan ng TV5 ng kanilang opisyal na pahayag na kinokondena ang  ginawang pagbabanta ng magkakapatid ng Tulfo, Erwin, Raffy, at Ben, sa mag-asawang Raymart  at Claudine Santiago sa diumano ay pambubugbog sa kanilang kapatid na si Ramon Tulfo.

Sa kanilang programa sa NEWS5 na T3, itinatanggi ng Network na walang kinalaman ang istasyon sa mga naging pahayag at pagbabanta ng magkakapatid.

Dating character actress, mas gustong maging teacher sa Japan kesa balikan ang showbiz

Ang friend kong si Jenny Varga ay mukhang kinalimutan na ang pagbabalik showbiz niya dahil sa napakagandang trabaho niya sa Japan bilang isang kindergarten teacher. Pumunta sa Japan ng dating sexy character actress para magnegosyo.

Bukod sa maganda na ang kanyang negosyong RTW nagawa pa rin niyang isabay ito sa kanyang pagtuturo sa mga pre-school children.

After school hours ay may mga private tutorial din siya sa mga adult na gustong matuto ng Ingles.

Hindi lamang mga Hapon ang istudyante niya kundi mga anak ng mga kapwa niya Pilipino na nakapangasawa na ng Hapon at dun na naninirahan.

Samantala, ang bunsong anak niya rito sa ‘Pinas, si Janine Angela Guinto ay nagsisimula na rin tumahak sa mundo ng showbiz. Kahit wala ang ina ay inaalalayan si Angela ng kanyang lola at ng kanyang kuya na nag-aaral naman para maging isang piloto.

Show comments