Henry Cavill hot na hot sa The Cold Light of Day!

MANILA, Philippines - Nitong nakaraang taon, nag-init ang kanyang pa­ngalan sa buong mundo dahil sa nakakabilib na Immortals.

Ngayon, lalong hahangaan si Henry Cavill sa isang bagong pelikulang punung-puno ng aksiyon at makapigil-hini­ngang eksena ng habulan. Pinamagatang The Cold Light of Day, ginagampanan dito ni Henry ang papel ng isang ordinaryong ama na biglang naging masalimuot ang buhay nang kidnapin ang kanyang pamilya.

Kabituin ang dalawang higante ng Ho­lly­­wood na sina Bruce Willis at Sigourney Weaver, ang The Cold Light of day ay tinata­yang magiging daan ni Henry upang siya’y ganap nang mapabilang sa mga hot property ng industriya. Ang The Cold Light of day ay mapapanood na sa ika-9 ng Mayo dito sa Pinas at North America.  

Show comments