Jose at Wally nakapagbulsa ng malalaking tip sa bar show

Abot-tenga ang ngiti ng mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa napakama­ta­gumpay na fund-raising concert na itinaguyod nila at ginawa para makalikom ng pondo na maga­ga­­mit sa medical na panganga­i­la­ngan ng mga mi­­­yem­bro nila. Wala nang mapaglagyan pa ng na­­pa­­karaming gustong makapasok ng Zirkoh Mo­rato sa Quezon City kahit na halos magtatapos na ang palabas. Ganun na pala talaga kalakas humatak ng mga manonood ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola na obviously ay hindi ka­sali sa mga ina­akusahang non-singers na patok ngayon sa con­cert scene. Ma­runong kumanta ang da­lawa, ma­gaganda ang boses nila, at napa­kalawak ng kanilang repertoire. Walang kanta na hiniling ang au­dience na hindi nila alam o nakayanan. Napaka-appreciative naman ng mga ma­nonood dahil sunuklian nila ng malalaking tip ang effort ng dalawa. Ang mga ito ay hindi naman tumagal sa bulsa ng dalawa dahil napunta ito sa iniipon para mapag­hatian ng mga tagasilbi sa lugar at ng isang charity institution.

Wala namang pagod na sinulit nina Jose at Wally ang napaka-mahal na tiket para sa kanilang concert. Kahit maraming nauna sa kanilang nag-perform gaya ni Toni Gonzaga at mga kasama, ramdam na ramdam na ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga ang dinayo ng manonood sa nasabing lugar.

Wonder Gays tikom ang mga bibig sa mga karelasyong babae!

Hindi ako sure kung mga baklang lahat ang grupong Wonder Gays na ina­alagaan ang career ni Lito de Guzman. Balita kasi na may mga babaeng karelasyon ang ilang sa mga miyembro nito. Tahimik lamang sila kapag natatanong tungkol dun. Mas gusto nilang pag-usapan ang ikalawang major concert na gagawin nila sa Zirkoh sa May 10. Kahit sa kanila iniaatang ang pagdadala ng konsiyerto, marami silang makakasama dahil ang konsiyerto ay isa ring pagdiriwang ng birthday ng manager nila na sa halip na magpa-party ay gusto na lamang lumikom ng pondo para sa isang bahay-ampunan sa Parañaque, ang My Father’s House Orphanage. Tampok din sa concert sina Raia Quiroz, Blanktape, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang walang kupas na Baywalk Bodies. Darating din sina Troy

Montero, Patrick Garcia, Kris Lawrence, Ro­well Quizon, Valerie Con­cep­cion, Glaiza de Castro,Denise Laurel, Stef Prescott, at Rocco Nacino.

Rufa Mae kinakapa na ang pagiging Kapatid!

Tama lang ang desisyon ni Rufa Mae Quinto na magpalit ng istasyon. Nagiging stagnant na ang career niya bilang isang Kapuso. Hindi na naggo-grow ang kanyang career sa Siete. Walang pagbabago sa mga roles na ginagampanan niya.  Wala ng effort to make her different. Maging ang pagho-host niya sa Showbiz Central ay hindi na nakakatulong para lumago ang kanyang career. Hindi na rin siya cute sa Bubble Gang.

Sa napipintong paglipat niya sa TV5 na dati ay pinagbubulungan lamang pero ngayon ay halos kum­pirmado na dahil sa paglabas niya sa programa ni Willie Revillame na Wiltime Big Time. Sa nasabing prog­ra­ma ay mukhang nabigyan ng buhay at ningning ang kanyang pagi­ging isang komed­yante. At dala marahil ng mga bago niyang kasama at ka­­pa­ligiran kung kaya parang isang bagong Rufa Mae ang nakita. And what the viewers saw ay nakagalak sa kanila.

Balak siyang isama sa pangingibang bansa ng show sa susunod na bu­wan, mukhang timing ang desisyon ng magandang komedyante na lumi­­pat. Idagdag pa rito pagtaas ng kanyang talent fee na makasampung ulit at masasabi mong mas suwerte pa ring dala-dala ang dating Kapuso at ngayo’y isa ng Kapatid.

Show comments