Mga itinurong nambugbog kay Albie, nag-deny!
PIK: May drama si Rhian Ramos kapag nasa ibang bansa ito, para hindi siya mapopormahan ng mga kalalakihang may type sa kanya.
Ayon sa aktres, magsusuot ito ng pekeng engagement ring para hindi na makaporma sa kanya ang mga kalalakihang hindi nakakakilala sa kanya.
Minsan pa nga ay ginagamit niya si Aljur Abrenica na kunwari ay karelasyon para hindi na makalapit sa kanya ang mga boys.
Kung dito naman ay lumalabas din siya pero wala ring boys na nakakaporma dahil alam naman nila kung saang stage ito ngayon. Bukod pa dun, meron itong mga kaibigang lalaki na nagbabantay sa kanya.
“Hindi ko kailangang makipag-date ngayon. Kaibigan ’yung kailangan ko. So they’re all there for me at tsaka wala rin kasi ’yung utak ko diyan,” pahayag ni Rhian na umalis na kahapon patungong Amerika para sa red carpet premiere ng The Road sa Hollywood, California.
PAK: Nag-tweet si Frank Magalona, pati mga kapatid nitong sina Maxene at Saab Magalona, na wala siyang kinalaman sa pambubugbog kay Albie Casiño nung Sabado ng madaling araw.
Ayon kay Frank, nasa Fiamma ba sa Makati City siya nung gabing ’yun para dumalo sa birthday ng isang kaibigan, at wala siya sa grupo nina Andi Eigenmann.
Pati ang isang kaibigan nina Andi na si Carlo Concepcion ay nag-tweet din na hindi siya involved sa gulo.
Ilan lamang sila sa isinasangkot sa pambubugbog kay Albie.
Pero wala pang binabanggit ang ina ni Albie na si Mrs. Rina Casiño na mga pangalan dahil binubuo pa nila ang mga ebidensiya para makapagsampa na sila ng kaso.
BOOM: Ang mga magulang ni Albie na sina Bonjet at Rina Casiño ang nagpa-blotter sa Precint 9 ng Makati Police Station nung isang gabi.
Hindi nila kasama si Albie dahil nagpapagaling pa. Pinapabalik pa nga ng doktor nila sa Makati Medical Center para i-check uli ang young actor dahil nagsimula nang mamaga ang mukha nito.
Ang sabi ng ama ni Albie na si Bonjet: “Basta ako, I still believe in the legal system, that’s why we go through the legal process. Kaya nandito tayo ngayon, para magawa ang tama.
“Alam ko matatagalan pa ito, at mahabang proseso, pero matatapos din naman ’to eh.”
At umiiyak na nagbigay ng mensahe naman ng ina ni Albie para kay Andi: “You know nanahimik na ang anak ko. She was able to say all the things that she wants to say, sila ng pamilya niya. She said so much on air, but he kept quiet.
“Pero iba na to eh, below the belt. Ano pa ang gusto niya next time? Hindi na namin siya pinapatulan.
“You know my son is excited, it’s his birthday next week.
“Sana kay Andi, sabi niya naka-move on na siya. Pero this time I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up. Basta hindi ko na palalampasin ito.
“And I want to tell her, sana naman Andi, be true to yourself. If not to yourself, to your daughter. You know, you have your daughter there, and let take care of her.”
- Latest