^

PSN Showbiz

Bugbugan at sipaan, Raymart at Mon Tulfo nag-rambol sa airport!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bugbugan na naman ang malaking istorya kahapon na sangkot ang mag-asawang Raymart Santiago ang Claudine Barretto.

Kahapon, mga bandang 12 ng tanghali nang nagsuntukan at nagsipaan sina Raymart at ang journalist na si Ramon Tulfo sa domestic airport. Ayon sa report, nakita ni Raymart na kinukunan ng video ni Mr. Tulfo ang asawa habang minumura nito ang isang staff ng Cebu Pacific dahil hindi makita ang kanyang gamit. Nakita raw ni Mr. Tulfo na nagkataong galing Davao ang ginagawa ng aktres na galing Boracay bilang namukhaan niya kaya pinag-interesang kunan ng video.

Pero nakita raw ’yun ni Raymart kaya sinuntok agad nito ang journalist at pinagtulungan ng mga kasama si Mr. Tulfo.

Sinabi naman ni Claudine sa interview ng ABS-CBN.com na naunang manakit si Mr. Tulfo.

Ipinakita pa ni Claudine sa Showbiz Central ang legs niya na natamaan ni Mr. Tulfo nang tadyakan siya.

Dahil dito, taob na ang kuwento ng bugbugan nina Andi Eigenmann at Albie Casiño na ang nanay ng young actor ang madalas magpa-interview.

Ang siste pa kasi rito, itinanggi ng mga pinagbintangang nambugbog kay Albie na sila ang salarin. Meron bang witnesses sina Albie?

Anyway, habang sinusulat ito ay iniimbestigahan pa ng mga pulis ang nangyaring suntukan at sipaan sa loob ng airport na ang reklamo ng mga pasahero, delayed na nga ang flight nila may dadatnan pa silang ganun.

Action star din si Raymart kaya hindi nakakatakang kaya niyang makipagbugbugan kay Mr. Tulfo.

Mag-aasawa pagdating ng 40, Piolo gustong magkaanak ng marami

Nasa plano naman pala ni Piolo Pascual na mag-asawa.

Sabi niya sa interview ng Showbiz Inside Report nung Sabado, ayaw naman niyang tumandang mag-isa. Plano niyang mag-asawa bago siya umabot sa 40. Thirty five years old na sa kasalukuyan si Piolo.

Plano rin niyang magkaroon ng maraming anak. “Gusto kong magkaroon ng maraming pang anak, two or more, ’pag nag-settle down ako,” sabi niya sa nasabing interview.

 “Minsan ’pag nasa bahay ako, ang lungkot naman, mag-isa lang ako, ang laki ng kama ko ang tahimik, mag-isa lang ako.”

First time na nagsalita ni Piolo after nang mga rebelasyon ni KC Concepcion tungkol sa kanilang relasyon noon. Ang sabi ni Piolo, sweet siya at very affectionate at marami na siyang mga kabaliwang ginawa para sa pag-ibig. 

“’Pag ako nagmahal, binibigay ko naman eh,” katuwiran niya pa at madalas niya ring sinosorpresa ang taong minamahal niya.

‘Yun naman pala. Teka, ibig sabihin hindi niya minahal si KC na base sa kanyang mga rebelasyon ay parang walang nabanggit na naramdaman niya ang pagmamahal ng aktor?

Anyway, wait na lang tayo na ma-in love si Piolo. Limang taon na lang ang natitira para mag-asawa siya. Mabilis lumilipas ang mga araw so, madali na ’yun.

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI EIGENMANN

CEBU PACIFIC

CLAUDINE

MR. TULFO

NIYA

PIOLO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with