Juday paparada sa ASAP

MANILA, Philippines - Bonggang salubong sa buwan ng Mayo ang ini­­handa ng ASAP 2012  ngayong Linggo.

Magkahalong kilig at ka­­tatawanan ang hatid ng mga bida ng Every Breath You Take lead star na si Piolo Pascual at cast members ng The Mommy Returns na si­­na Gabby Concepci­on, Ruffa Gutierrez at Pok­wang. Abangan din ang pagbati ng cast ng pinakabagong fantaser­ye ng Primetime Bida na Aryana na pa­ngu­ngu­nahan ng bida nitong si Ella Cruz kasama ang buong cast na sina Pokwang, Bianca Manalo, Chokoleit, Tonton Gu­tier­rez, Paul Salas, Amy Nobleza at Aria Clemente.

Hindi rin dapat pa­lam­pasin ang engrandeng ASAP 2012 summer parade kasama ang young superstar na si Judy Ann Santos; ang mga Junior Master Chef kids na sina Kyle Imao, Mika Tanaka, Caitlin Taluban, at Loui­se Mabulo; at ang mga Goin’ Bulilit kids na sina Joshen Bernardo, Clarence Delgado, Izzy Canillo, Timothy Chan, at Barbie Sabino. Tiyak namang kikiligin ang lahat sa espes­yal na handog ng Princess and I lead stars na sina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.

Isang makapigil hini­ngang performance na­­man ang ihahatid ng multi-media star na si Toni Gonzaga, muli na­mang mapapabilib ang lahat sa relaxing na boses nina ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Constantino at Anja Aguilar sa A-Tunes; award-winning performances ng Kapamil­ya Champs na sina Marcelino Pomoy at Jed Madela; at ang nakatitindig-balahibong performances nina Nikki Gil, Zia Quizon, ASAP Sessionistas, at ng Ma a­sinhon Trio.

Magtatagisan naman ng galing sa pag-indak sina Kim Chiu, Cristine Reyes, Erich Gonzales, Shaina Mag­dayao, John Prats, Ray­ver Cruz, Gab Valenciano, Iya Villania, Enchong Dee, Empress, at Bugoy Drilon sa ASAP Su­pahdance.

Show comments