Nora Aunor at Imelda Papin may gap!
Bagama’t nagbatian naman ang Superstar na si Nora Aunor at ang Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin nung magkita sila sa dressing room ng Walang Tulugan with Master Showman nung Biyernes na kung saan ay nag-taping sila para sa May 12 episode ng nasabing programa ni German Moreno, may narinig akong bulung-bulungan na may gap ang dalawang kababayan natin na for a time ay naka-base sa US. Meron daw naganap sa dalawa na naging dahilan para mabawasan ang friendship nila.
Kahit ayaw magsalita tungkol dito ni Imelda at wala namang pagkakataon ang Superstar na makompronta sa isyu dahil agad ay dinumog ito nang dumating siya sa compound ng GMA, talagang pinipilit ng aking source na may hindi pinagkakaunawaan ang dalawa.
Going back to Nora, halos ’di ko siya nakilala at nakita kundi lamang siya ang unang tumayo sa kanyang kinauupuan para batiin kami.
We were in the studio para i-follow up ang guesting na ginawang katotong Vir Mateo para sa kanyang alagang si Angela Guinto. Wala sa kapasidad si Vir na magawa ang kanyang trabaho dahil kasalukuyan pa itong nasa ICU ng East Avenue Medical Center matapos itong mag-collapse sa Metro Rail Transit o MRT ilang araw lamang ang nakakaraan. It was our way of helping him since hindi pa siya nakakagalaw pero maganda ang indikasyon na gagaling siya.
It was our way, too, of helping our friend Jenny Varga na siyang ina ng baguhang nag-aartista na masuportahan ang hilig ng kanyang bunsong anak.
Nakakanta naman si Angela at siguradong mapapanood ’yun ni Vir sa ospital ngayong gabi.
Fil-Jap singer regular na sa WT
Sa set ng Walang Tulugan ay na-meet ko rin ang isang Fil-Jap teener na gustong mag-succeed sa local showbiz. Siya si Nozomi Moriwaki, 15 years old at semi-regular na sa show.
Nakagawa na siya ng isang album sa PolyEast Records, ang Before I Reach 16, na ipinu-push ni Pooh ng husto sa radio program niya sa umaga, sa Star FM 102.7. Ang carrier single ng album, ang Mali Pala, ay isa sa most requested songs sa radio.
- Latest