^

PSN Showbiz

Magaling na aktres na magiging Kapuso, may hinihintay pang offer

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi pa pala kasado ang paglipat sa GMA 7 ng isang magaling na aktres mula sa ibang network dahil hinihintay pa ng manager nito ang written offer na mas maayos. May offer din ang aktres sa home network niya ngayon. Kailangang ilatag sa kanya ang dalawang offers para makapamili siya ng maayos.

Hindi pa bumababa ang approval ng management sa offer sa aktres pero makakatulong siya ’pag natuloy sa ino-offer na soap. By tomorrow, dapat ayos na ang lahat dahil bukas din ang dating ng aktres mula sa bakasyon abroad.

Kaibigan ng aktres ang direktor na magdidirek ng soap at malaki ang papel nito para kumbinsihin ang aktres na tanggapin ang offer ng Channel 7. On the other hand, tama rin ang manager ng aktres na dapat maayos ang lahat bago sila mag-commit dahil baka parehong mawala ang offer sa aktres ng dalawang networks.

Louise kinakarir ang OJT sa Senado

Ang daming kuwento ni Louise delos Reyes sa training niya sa Senado, sa protocol office siya naka-assign at magpapalipat siya sa office ni Sen. Ralph Recto. Nag-apply din siya sa office ni Sen. Miriam Santiago. Hirap siya sa schedule, kaya okay lang sa kanya dahil gustong tapusin ang 300 hours na on-the-job training (OJT). Bawal ang mini-skirt at sobrang aksesorya sa katawan sa Senado.                                                

Ibinalita ni Louise na si AJ Dee ang gaganap niyang boyfriend sa My Beloved at ayaw mag-spoiler kung magiging sila ni Rico (Alden Richards) in the end. Magiging busy si Louise dahil bukod sa The Basement, may gagawin din silang soap ni Alden.                                                  

Child star nagbago na ang boses, pumipiyuk-piyok

Kahit disappointed si Renz Valerio na hindi siya isinama sa red carpet premiere ng The Road sa Hollywood, California sa May 9, dumating pa rin ito sa send-off presscon ng cast na aalis this Sunday. Nanghihinayang pa rin na ’di sila nakasama ni Barbie Forteza pero naiintindihan niya na minor siya at kailangan ng kasama ’pag nag-abroad.

Anyway, malaki na si Renz, may stubble na sa chin niya at may manipis na bigote. Nagbago na rin ang boses ng 13-year-old at pumipiyok siya minsan pero okay lang ito kay Direk Noel Añonuevo na direktor niya sa My Chubby World Big Adventure. Good adventure kay Renz ang mapasama sa educational show na sponsored ng Rebisco Foods, Inc. at mapapanood ng 8:30 a.m. simula sa May 12.

AKTRES

ALDEN RICHARDS

BARBIE FORTEZA

BIG ADVENTURE

MIRIAM SANTIAGO

MY BELOVED

MY CHUBBY WORLD

SENADO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with