Ang alam ni Dennis Trillo, hindi extended ang Biritera dahil binawi raw ng GMA 7 ang ibinigay na extension, pero buo pa rin ang istorya. Hindi pa lang alam ng actor kung magiging sila ni Mic-Mic (Glaiza de Castro).
Nabanggit ni Dennis na next week sa Biritera, malalaman na niyang kapatid niya si Roseanne at tiniyak na maganda ang ending ng soap na sinusubaybayan ng marami.
Samantala, itinanggi ni Dennis ang nasulat na nagkikita sila ng lihim ni Cristine Reyes. Paano raw mangyayari ‘yun eh matagal na silang hindi nagkikita. Burado na raw ito sa puso niya. Hindi rin sinagot ni Dennis ang inamin ni Cristine sa interview sa kanya sa Yes! na greatest love siya ng aktres.
“Baka maraming masaktan ‘pag sinagot ko ‘yan. Baka maging unfair ako ‘pag magbabanggit ako ng isang particular name. Kapag nagmahal ka, iba-ibang gravity, ‘di masusukat ‘yun,” ani Dennis.
Napangiti si Dennis sa tanong kung pinatitikim sa kanya ni Bianca King ang bini-bake nitong cake. Minsan nagdadala ito ng cake sa taping ng Biritera ayon kay Dennis, kaya ‘di lang siya ang nakakatikim ng cake.
Singer-actor ex-gf ang inaakusahang naglustay ng ipon niya
Parang ayaw naming maniwala sa sob story ng singer-actor (SA) sa nakausap na reporter na kaya siya naghihirap ngayon ay dahil inubos ang pera niya, pati ‘yung naipon niya sa banko ng kanyang ex-GF.
Napapaluha pa si SA sa pagkukuwento na nagsisisi siya sa sobrang pagtitiwala at pagmamahal sa ex na lahat ng pera niya ay ipinagkatiwala sa ex. Ang syonga niya kung ganun na pati bank book ay ibigay sa ex na libre nitong nawi-withdraw, pero iniwan din siya ng wala na siyang pera.
Paano naman, nabalita na marami siyang bisyo at tiyak na doon naubos ang kinita niya sa showbiz at hindi dahil sa ex.