Pacman kinontrata na si Jessica Sanchez

Na-report na sa May 5 na ang alis ni Sarangani Cong. Manny Pacquiao para sa Los Angeles na ipagpatuloy ang pag-eensayo para sa laban niya kay Tim Bradley sa June 6. May napili na raw siyang kakanta ng Philippine National Anthem, pero ‘di binanggit kung sino ang napili.

Sa laban niya next year, si Jessica Sanchez ang gusto ni Manny na kumanta ng Philippine National Anthem. Paano kung Mexican ang makalaban niya? Ibig sabihin, hindi ang laban niya kay Bradl­ey ang huling laban ni Manny.

Tama rin kung ganu’n ang report na special guest si Manny kasama nina Dra. Vicki Belo at Cristalle Henares sa red carpet premiere ng The Road sa May 9, sa Arclight Theater na nasa Sunset Blvd., Hollywood, California.

Ogie walang pahinga sa trabaho

Na-tweet ni Ogie Alcasid na ang pilot ng talk show nila ni Michael V na Pare & Pare sa GMA 7 ay sa May 20 na at sa June 6, naman ang showing ng movie niyang Boy Pick-Up: The Movie. Tinatapos din nito ang shooting ng I Doobidoo Bidoo at dapat, may isang pelikula pa siyang gagawin pero ‘di na kinaya ng kanyang powers.

Marami ang nagugulat kung saan kinukuha ni Ogie ang resistensiya sa rami nang ginagawa. This week, naka-schedule na siyang mag-taping ng Daddy Dearest dahil first week ng June na ang airing nito.

Kapag umere na ang lahat niyang shows sa GMA 7, may apat siyang regular shows at muli siyang mapapanood Sunday to Friday. ‘Kaw na Ogie!

Lotlot balik-ABS-CBN

Isa si Lotlot de Leon sa mga artistang nakakapag-network hopping dahil walang exclusive contract sa alinmang network. After mapanood sa dalawang ibang networks, balik-ABS-CBN siya sa Aryana bilang ina ni Paul Salas. Malaking advantage sa kanya ito as an actress dahil mas maraming roles ang nagagampanan at maraming nakakatrabahong artista.

Masarap daw ang feeling na kinuha siya ng ABS-CBN dahil ibig sabihin may tiwala at nag-invest sa kanya ang network. Suwerte rin siya to be working with the other Kapamilya talents gaya ni Pokwang na magaling kahit saan ilagay.

Anyway, hiningi ang press ng reaction ni Lotlot sa isyung pagbibigay ng National Artist Award sa inang si Nora Aunor.

 “I think my mom deserves that, pati na rin sina tito Dolphy, Gov. Vilma Santos, at ibang veteran stars. Malaking bagay ‘yung recognition na ‘yan sa mom ko at sa iba pang deserving dahil nasa showbiz sila all their lives, big honor sa kanila ‘yun and I’ll be very happy ‘pag ibinigay sa kanya,” pahayag ni Lotlot.

Kapamilya aktres target sa movie nina Jose and Wally

Mid-May na sisimulan ni director Soxie Topacio ang shooting ng pelikula nina Jose Manalo at Wally Baloya na may pamagat na Akin ang Pritil Sa ‘yo ang Bangkusay. Isang Kapamilya at isang Kapuso ang kino-consider na ma­ka­pareha ng dalawa.

Busy ang Kapamilya talent sa rami nang project sa TV at movies, pero malay natin at ipahiram sa APT Entertainment. On the other hand, schedule lang ang pipigil sa Kapuso talent para hindi payagan ng network dahil nagti-taping ito ng soap.

Show comments