Caught in the act na nagtsutsugihan sa loob ng sasakyan ang sikat na aktor at ang sexy star.
Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng sexy star at habang literal na lasing sa alak ang aktor na kanyang katsuktsakan.
Masuwerte ang dalawa dahil hindi ibang tao ang nakahuli sa kanilang ginagawa. Ang friend ng sexy star ang nakakita sa milagro na nangyayari sa loob ng kotse dahil hindi sinasadya na nailawan ito ng sasakyan na minamaneho niya.
Parang one-night stand lang ang nangyari dahil hindi nauwi sa relasyon ang tsugihan portion ng sikat na aktor at ng sexy star. Lumayo ang sexy star dahil ang kanyang first love pa rin ang itinitibok ng puso niya.
Heart very cold kay Daniel kahit nakipag-beso
Nagkita sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista sa Party Pilipinas noong Linggo. Ang sabi ng ilang eyewitness, very cold si Heart kay Daniel at posibleng isa ito sa mga dahilan kaya nag-breakdown ang mhin ng umapir siya sa Showbiz Central, ilang oras pagkatapos ng chance encounter nila ni Heart.
Obvious na si Daniel ang hirap na hirap dahil matindi pa rin ang pagmamahal niya sa ex-girlfriend. Sa ipinakikita ni Daniel na emosyon, malinaw na siya ang hiniwalayan ni Heart at hurt na hurt ang binata. Hurt by heart, bow!
Alfred busy na Sa shooting ng Andres Bonifacio
Si QC Councilor Alfred Vargas ang gumaganap na Andres Bonifacio sa bio-flick nito na ipalalabas sa mga sinehan sa June 12.
Ang shooting ng Andres Bonifacio ang isa sa mga pinagkaabalahan ni Alfred, bukod sa paglilingkod sa mga constituents niya sa District 2 ng Quezon City.
Nagkaroon din ng offer si Alfred sa life story ni Lam-ang pero huli na nang malaman niya na may napili na para gumanap na Lam-ang at si Rocco Nacino nga ito.
May mga maling akala na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang produ ng Lam-ang na pinagbibidahan ni Rocco. Maling-mali ang akala dahil si Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano ang produ ng pelikula. Kilala na ngayon si Gov. DV bilang better-half ni Dina Bonnevie.
Nag-hope ang mga members ng media na nagpunta sa shooting ng Lam-ang na mainterbyu nila ang bagong kasal pero nabigo sila. Nakabalik na sina Vice Gov. DV at Dina sa Maynila nang makarating sa Vigan ang mga TV at print reporters mula sa Manila.
Startalk wagi sa NUTAM ratings
As usual, magpapasalamat ako sa lahat ng mga tumangkilik sa Startalk noong Sabado dahil mataas na naman ang rating ng aming talk show.
Kung 2.9% ang rating ng rival program ng Startalk, humataw naman sa 4.9% ang rating ng aming show. Gaya nang dapat asahan, tinalo ng Eat Bulaga (12.6%) ang It’s Showtime na nakakuha ng 7.4% rating. Take note, mula sa NUTAM ang ratings ng Startalk at Eat Bulaga. Kapag sinabi na NUTAM (Nationwide Urban TV Audience Management), ratings ito sa buong kapuluan as in Luzon, Visayas at Mindanao, hindi lamang sa Mega Manila o Metro Manila.