Sharon at Regine dapat mag-unahan sa pagpapapayat!

Huwag nang apurahin ang pag­papaliit ng katawan ni Regine Ve­lasquez dahil nagpapadede pa siya kay Nate. Pangako naman niya, papayat din siya.

Si Sharon Cuneta, nangakong magpapapayat din.

Pero hindi naman mahalaga kung anong kondisyon meron ang mga katawan nila. Singers naman sila pareho na ’di kailangan ang pa­yat. Ngayon kung gagawa sila ng movie na love story, dun na kailangang payat sila. Kundi, lalabas silang nanay ng leading man nila. Ayaw siyempre nilang mangyari ito ’di ba? Nakakasira ng pride!

Marian ‘di pikon sa isyu ng pagbubuntis

Sa halip na magalit sa balitang buntis siya courtesy of her boyfriend Dingdong Dantes, ipinakikita na lamang ni Marian Rivera ang pagi­ging kuryente ng balita sa pagsusuot ng mga damit na magpapatunay na wala pa siya sa ganung sitwasyon. At kung sakali man na magkatotoo ito, hindi nila ito itatago ng boyfriend niya, ang kaso ni talagang walang katotohanan ang balita.

Kayo nga naman pilit nang pilit na buntis siya. Have you seen Marian lately? She has never been so sexy, walang umbok ang tiyan niya!                  

Marami pang artista gusto ring maging National Artist

Hindi naman nakapagtataka kung hangarin ng maraming artista na maging National Artist. Napakalaking karangalan naman kasi ang ibibigay ng titulo sa sinumang mapagbibigyan nito. Pero huwag nang makialam pa ng mga fans. Hintayin na lamang nila kung palarin ang mga idolo nila.

After all, napakaraming artista ang deserving sa titulo. Huwag nang makipag-away pa o manggulo kaya. Wala naman silang magagawa. Mag-ingay man sila, wala namang makikinig, dahil sa isang pag-aaral at pananaliksik madi-determine kung sino ang karapat-dapat. Okay ba, mga fans?

Show comments