^

PSN Showbiz

Anja busy sa promo ng kanyang album

-

MANILA, Philippines - Tuloy ang pag-arangkada ng career ng bagong alaga ng Viva na si Anja Aguilar matapos magkaroon ng launching ang kanyang first album under Viva Records kamakailan.

Ngayong araw nasa SM Marikina Atrium (5:00 p.m.) si Anja para pa rin sa promo ng kanyang self titled album na may sampung kanta.

Sa April 30 guest siya sa Love Radio Bangus Festival sa Dagupan (7:00 p.m.); May 1 sa Trinoma, Album Tour (6:00 pm), May 10 – sa Mellow 94.7 - The Afternoon Cruise with DJ Ingrid (2:00 pm) at sa May 13, siya ang opening sa show ni Basil Valdez sa Glorietta (5:00 p.m.)

Mukhang tama ang ramdam ni Boss Vic del Rosario na sisikat ang bagong alaga ng kanilang kumpanya.

 “Itataya ko ang pangalan ko dito,” sabi ni Boss Vic nang unang ipakilala sa media si Anja.

Potential multi media superstar ang ‘prediction’ ng big boss ng Viva Group of Companies kay Anja na champion sa Little Big Star, ang dating singing contest para sa mga bata sa ABS-CBN, hosted by Sarah Geronimo.

Karamihan sa 10 kantang kasama sa kanyang self titled album ay original. Kasama sa mga nagsulat ng mga kanta sina Vehnne Saturno at ang hitmaker na si Christian Martinez.

May sampung kanta sa album – To Reach You, I Love You, Nasaan ang Pangako, When, Di Bale na Lang, Ako Pasa Sa ‘Yo, Magic of Love, Ako, I Love You (Minus One), at To Reach You (minus One) na carrier single madalas nang marinig sa radyo.

vuukle comment

AFTERNOON CRUISE

AKO PASA SA

ALBUM TOUR

ANJA

ANJA AGUILAR

BASIL VALDEZ

BOSS VIC

CHRISTIAN MARTINEZ

I LOVE YOU

TO REACH YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with