Marian walang panty at bra nang mag-presscon

Sexy si Marian Rivera sa presscon ng Tweets For My Sweet in a white Martin Bautista creation. Walang nakitang panty hemline ang press dahil may leggings daw siyang suot, ’kaloka! Wala ring bra ang aktres, backless ang damit, pero walang bumakat na nipples dahil gumamit yata ng nipplets.

’Katuwa si Marian dahil nahihiya siya pero panay ang pose nang i-request ng press at “oo” agad nang sabihin ni Isah Red na siya ang bagong gay icon. At nag-react naman dahil isinasali sa away nina Ara Mina at Cristine Reyes dahil lang pareho sila ng huli na may “maldita” image.

Iba ang sigla ni Marian sa presscon kahit nami-miss si Dingdong Dantes na nasa Malaysia that time at dahil ’yun sa sangkatutak na chocolate na kinain. Lahat ng mga tanong sinagot, kahit ayaw sanang marinig ang isyung selosa siya, maldita, etc.

Sa May 6, after 24 Oras Weekend ang time slot ng Tweets For My Sweet, sa direksiyon ni Uro dela Cruz. May deal sila ni Chef Boy Logro na every time magkikita sila, bibigyan siya ng recipe at dahil hindi niya kayang pumasok sa culinary school nito, tuturuan na lang siyang magluto sa taping.

Nova bumongga ang career nang maging freelancer

Bongga si Nova Villa! Dalawa ang presscon nito last Thursday at nagkataon pang same day ang presscon ng dramedy na Tweets for My Sweet ng GMA 7 ng tanghali at kinagabihan, nasa presscon siya ng Star Cinema movie na Every Breath U Take na ipinagmamalaki niya dahil maganda.

Ikinatuwa ni Nova ang tiniyak ni Marian na marami siyang matututunan sa pagpapatawa kina Nova at Roderick Paulate. Sa Star Cinema movie na showing sa May 16, lola naman ni Angelica Panganiban ang role niya. Tama ang desisyon nitong maging freelancer dahil puwede siyang tumanggap ng project kahit saan.

Polo may guaranteed contract na sa GMA 7

Five to six months na walang regular show sa GMA 7 si Polo Ravales at inaming naisip niyang tanggapin ang offer ng TV5, pero nanaig ang loyalty bilang Kapuso. Gusto niyang mag-end ang career niya sa GMA 7 kung saan siya nagsimula at sa istasyon niya ibinibigay ang kanyang loyalty at dito na siya tatanda.

Naniniwala itong nag-pay off ang pagiging loyal niya dahil binigyan siya ng guaranteed contract at isinama sa Hiram na Puso, isa sa pambatong afternoon soap. Hindi man siya ang bida, maganda pa rin ang role niya at tumatatak sa mga viewers.

Nakakita rin siya ng new friends dito, gaya ni Kris Bernal na close sa kanya at kapatid na kung kanyang ituring.

Richard Marx prouD kay Jessica

Marami ang humanga sa rendition ni Jessica Sanchez ng Dance with My Father sa American Idol. Pati si Richard Marx, co-writer ni Luther Vandross sa song ay napabilib.

Tweet ni Richard Marx: “Hey @JSanchezAI11, just watched you sing Dance with My Father. Killer job! You did Luther & me proud, Good luck!”

This is not the first time na na-acknowledge ng original singer/writer si Jessica, si Beyoncé nga, nai-post ang version niya ng Sweet Dreams at pinasalamatan din si Jessica ni Jazmine Sullivan nang kantahin nito ang Stuttering.

                                                                  

Show comments