Aminado rin siyang kinikilig siya sa aktor. “Pag nagki-kiss kami, parang pa-sweet lang. Sobrang gentleman si Papa P. Masarap lang talaga,” sabay tawa ng aktres.
“At saka ayaw kong umuwi talaga kapag nandiyan siya. Gusto ko tititigan ko lang siya hanggang ma-pack-up kami,” dagdag niya na nagpasalamat at na-nominate raw siya sa Star Awards for Movies kahit multo ang role niya sa pelikulang Segunda Mano.
At kung puro papuri ang sinasabi ni Angelica, ganun din naman si Piolo sa actress.
“Angelica has evolved so much, hindi ka mai-intimidate sa kanya, magaling siya mag-adjust. Hindi siya maarte,” dagdag ng aktor.
At nang matanong si Piolo tungkol sa mga pinagdadaanan niyang intriga particular na ang tungkol sa kanyang love life: “Ang meron ako ay isang pananampalataya sa Itaas para malagpasan ko ang lahat ng pagsubok sa buhay ko.
“Dumarating naman ‘yan (love) sa tamang panahon, pagkakataon, circumstances,” sabi niya.
Palabas na sa May 16 ang Every Breath U Take sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz para sa Star Cinema.