^

PSN Showbiz

Asawa ni Jose Manalo ayaw ibalik ang nakuhang P700,000

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Namataan namin ang dating manager at napabalitang karelasyon ni Aiza Seguerra na si Chen Sarte sa General Assembly ng Organi­sas­yon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) nung nakaraang Miyerkules sa Annabel’s Morato, Quezon City.

Kinlaro namin sa kanya ang intrigang ang Protégé ni Aiza na si Kriza Neri ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Napangiti lang ito sa kanyang sagot, “Hindi naman po. Hindi siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. It was a mutual decision. We’re both adults at pareho naming desisyon ’yun.”

Kung meron naman siyang booking para kay Aiza, nakakatanggap pa rin naman siya na idinadaan nito sa bago niyang manager na si Annabelle Regalado.

Nakapag-move on na siya sa hiwalayan nila ni Aiza at abala na sa mga bagong singers na alaga niya.

PAK: Nilinaw ni Marian Rivera na wala na silang problema ni Katrina Halili at maayos ang taping nila sa My Beloved.

Natanong namin kay Marian, kung sakaling imbitahin siya sa baby shower ni Katrina, ano ang ireregalo niya?

Mabilis ang sagot ng aktres na ibibili niya si Katrina ng mga libro para sa first-time mom. Naisip niya agad ’yun dahil alam niyang mapapakinabangan ito ni Katrina.

BOOM: Nagpadala ng press statement ang abogado ni Jose Manalo na nagpaliwanag kung ano ’yung sulat na pilit nilang ibinibigay kay Anna Lyn Manalo na ayaw nitong tanggapin.

Demand letter pala ’yun na kailangang isoli ni Anna Lyn ang P700,000 na cash bond na ibinigay ng TAPE, Inc. na siyang nag-ayos nang pagbigay nito sa korte nung may mga show ang Eat Bulaga sa ibang bansa.

Tuwing labas kasi ni Jose ay nagbibigay ng cash bond ang TAPE, Inc. para payagan lang na lumabas ang komedyante dahil may hold order nga ito kaugnay sa kasong estafa na isinampa kay Anna Lyn at nadamay si Jose.

Pagbalik ng bansa ay isosoli naman ito ng korte na nakukuha ni Anna Lyn pero hindi nito naibabalik sa TAPE.

Bahagi ng press statement: “Nararapat na maibalik ang nasabing mga cash bonds sa TAPE. Ang hiling na maibalik ang nasabing halaga ay dulot lamang ng lehitimong pagnanais ng TAPE na mabawi ito mula kay Anna Lyn at walang anumang kinalaman sa kasalukuyang ’di pagkakaunawaan ng mag-asawang Jose at Anna Lyn.”

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANNA LYN

ANNA LYN MANALO

ANNABELLE REGALADO

CHEN SARTE

EAT BULAGA

GENERAL ASSEMBLY

JOSE MANALO

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with