Kahapon ang presscon ng TV5 para kay Derek at sa kuwento nito, paborito niya si Ate Vi, kahit noong bagets pa siya.
Bilib na bilib si Derek kay Ate Vi dahil beauty and brains ito. Malaki rin ang naitulong ng Star for All Seasons sa bansa dahil sa magandang pamamalakad niya sa Batangas.
I’m sure, malaking karangalan kay Derek kung mabibigyan siya ng chance na makapareha si Ate Vi sa isang movie project.
Kasama kahapon ni Derek sa presscon ang kanyang mga cute na pamangkin.
Naaliw ako sa isang cute na bagets dahil sa kanyang buong ningning na dialogue na hindi niya kilala si Angelica Panganiban, ang girlfriend ni Derek.
Love na love ni Derek ang kanyang tatlong pamangkin na talagang naghintay sa kanilang tito hanggang matapos ang presscon.
Excited na ang aktor sa nalalapit na pagsisimula ng taping ng Amazing Race Philippines.
Si Derek ang host ng coming soon reality show ng Kapatid Network pero kung siya ang tatanungin, type rin niya na maging contestant lang.
Si Derek ang nagkuwento na maraming mga celebrity ang nag-audition para sa Amazing Race Philippines. Nag-join sa audition ang Montero at Quizon brothers.
Maganda ang reviews sa The Lucky One kaya iniisip ko na panoorin ang pelikula na pinagbibidahan ni Zac Efron.
Naging golf buddy ni Derek si Zac nang magpunta siya sa Sydney, Australia.
Nalimutan ko na itanong kay Derek kung pinanood niya ang The Lucky One bilang suporta kay Zac na naging mabait sa kanya.
Panganay ni Princess Revilla pang-matinee idol
Nakipag-meeting ako kahapon kay Princess Revilla.
Ipinakilala sa akin ni Princess ang kanyang tatlong anak na puro star material.
Papasa na matinee idol si Anton, ang panganay ni Princess.
Kung seseryosohin ni Anton ang pag-aartista, siguradong magkakaroon siya ng bright future.
Chef Boy tuloy na sa pag-aartista
Sosyal na chef si Chef Boy Logro dahil mga royalty ang kanyang employers noon.
Tiyak na matutuwa ang kanyang mga dating bossing dahil may showbiz career na siya.
Hindi lamang host ng sariling cooking show si Chef Boy dahil artista na rin ito.
Si Chef Boy ang gumaganap na lolo ni Marian Rivera sa bagong sitcom ng GMA 7, ang Tweets For My Sweet.
Very challenging ang role ni Chef Boy dahil akmang-akma sa kanyang personalidad.