Alam kaya ito ng kanyang ate? Kontrobersiyal na aktres na sexy at maganda na, nagparetoke pa ng ilong

PIK:   Kahit hirap na hirap si JM de Guzman sa first shooting ng Intoy Syokoy, wala kang naririnig na reklamo mula sa kanya dahil excited siya at gustung-gusto niya ang ginagawa sa naturang project.

Mahigit limang oras siyang nakababad sa dagat dahil kinukunan ang mga underwater scenes nito at pinulikat pa ito dahil sa ilang oras siyang pinagla­ngoy sa dagat na may karumihan pa, pero hindi ito ininda ni JM.       

Kaya naman puring-puri siya ng buong production staff dahil pursigido ito sa ginagawa niya bilang bida sa naturang indie film na entry sa nalalapit na Cinemalaya Festival.

PAK: Totoo kayang nagparetoke ng ilong ang isang kontrobersyal na seksing aktres kahit maganda naman ang ilong nito.

Marami ang nagulat kung bakit nagparetoke pa raw ito ng ilong gayung maganda naman siya at sexy.

Kung regular mo raw na napapanood ang drama series nito, mapapansin mo ang malaking pagbabago sa kanyang mukha. Kaya naloloka ang mga production staff dahil halos kamukha na raw nito ang isang aktres na co-star nito sa kanyang drama series.

Hindi lang namin tiyak kung alam ng ate ni sexy actress ang pinabago niya sa kanyang mukha.

BOOM: Wala si Jose Manalo sa hearing kahapon ng umaga para sa kasong Rep. Act 9262 na isinampa sa kanya ng asawang si Anna Lyn Manalo.

Ang dalawang abogado nito ang dumalo para tanggapin ang reply affidavit ni Anna Lyn na isinumite kahapon sa San Juan Prosecutor’s Office.

Nilinaw ni Anna Lyn na hindi na raw pera ang habol niya sa pagpursige ng kaso kundi gusto na lang daw niyang mabigyan ng hustisya ang pag-abandona sa kanila ni Jose.

Hindi nagbigay ng statement ang mga abogado ni Jose, pero posibleng maghaharap sila uli sa May 9 dahil kailangan na nilang mag-submit ng rejoinder.

Show comments