MANILA, Philippines - Isang homegrown band ang maipagmamalaki ngayong taon – ang
VFort.Hindi sila ala-
Backstreet Boyso
pero sila ang bagong pride sa Pinoy pop music ngayon na upbeat ang music pero malalim ang lyrics.
Ang VFort na binubuo nina Kerwin Caballero, Toff Guela, at Visam Arenas ay handa na para sa kanilang debut album na VFort: The Love Band Project. Available na ito sa mga leading record bars at released ng Viva Records.
Kuwento ng mga romantikong Pinoy ang nakapaloob sa 10-track album. Tumulong sa musical arrangement sina Bimbo Yance at Jake Lumacad ng True Faith ganun din sina Josh Villegas at Larry Ropero ng Driven Band. Ang voice coach naman na si Jeff Cifra ay tumulong magbigay ng kanyang expertise sa songwriting para sa creative direction ng VFort.
Ang carrier single na Prinsesa ay isang upbeat song na tungkol sa isang lalaki na may deep affection at sense of passion para sa isang babae at gusto na niyang makasama habambuhay: “Para sa ’kin ika’y bituing nagniningning, walang hambing rikit/ Sa’ yo ang puso ko, buhay ko.”
Ang iba pang kantang nakapaloob sa VFort: The Love Band Project ay The Coffee Song, Still, Mananatili, Dance (Take Me to the Floor!), Kung Pag-ibig ay Wala Na (featuring ang female vocalist ng Driven Band na si Dianne Ang), Hindi Ko Kaya, Sweetheart, Couldn’t Be Without You (featuring naman ang soulful voice ni Bb. Pilipinas 2012-Tourism Katrina Jayne Dimaranan), at ang cover song nila sa kanta ni Pink na Just Like a Pill.
Ang VFort ay mina-manage ng Viva Artists Agency at Vivre Fort Entertainment, Inc. Alamin ang kanilang musika at profile sa www.vfortband.com.