^

PSN Showbiz

VFORT, bagong pride sa Pinoy pop music

- Veronica R. Samio -

MANILA, Philippines - Isang homegrown band ang maipagmamalaki ngayong taon – ang

VFort.

Hindi sila ala-

Backstreet Boys

o

NSync

pero sila ang bagong pride sa Pinoy pop music ngayon na upbeat ang music pero malalim ang lyrics.

Ang VFort na binubuo nina Kerwin Caballero, Toff Guela, at Visam Arenas ay handa na para sa kanilang debut album na VFort: The Love Band Project. Available na ito sa mga leading record bars at released ng Viva Records.

Kuwento ng mga romantikong Pinoy ang na­ka­pa­loob sa 10-track album. Tumulong sa musi­cal arrangement sina Bimbo Yance at Jake Lu­macad ng True Faith ganun din sina Josh Villegas at Larry Ropero ng Driven Band. Ang voice coach naman na si Jeff Cifra ay tumulong magbigay ng kanyang expertise sa songwriting para sa creative direction ng VFort.

Ang carrier single na Prinsesa ay isang upbeat song na tungkol sa isang lalaki na may deep affection at sense of passion para sa isang babae at gusto na niyang makasama habambuhay: “Para sa ’kin ika’y bituing nagniningning, walang ham­bing rikit/ Sa’ yo ang puso ko, buhay ko.”

Ang iba pang kantang nakapaloob sa VFort: The Love Band Project ay The Coffee Song, Still, Mananatili, Dance (Take Me to the Floor!), Kung Pag-ibig ay Wala Na (featuring ang female vocalist ng Driven Band na si Dianne Ang), Hindi Ko Kaya, Sweetheart, Couldn’t Be Without You (featuring naman ang soulful voice ni Bb. Pilipinas 2012-Tourism Katrina Jayne Dimaranan), at ang cover song nila sa kanta ni Pink na Just Like a Pill.

Ang VFort ay mina-manage ng Viva Artists Agen­cy at Vivre Fort Entertainment, Inc. Alamin ang kanilang musika at profile sa www.vfortband.com.

vuukle comment

BACKSTREET BOYS

BE WITHOUT

BIMBO YANCE

COFFEE SONG

DIANNE ANG

DRIVEN BAND

HINDI KO KAYA

JAKE LU

JEFF CIFRA

LOVE BAND PROJECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with