Sen. Bong, Robin, at Angel magra-rumble sa isang pelikula!

ilinaw naman ni Ogie na hindi si Sam ang leading lady niya kundi si Solenn Heussaff.

Mabuti at pumayag naman daw si Boss Vic kaya kasali na si Sam sa natu­rang pelikula at tuwang-tuwa naman ang huli dahil mas kilala na nga raw siyang si Neneng B.

PAK: Ang Daddy daw ni Regine Velasquez na si Mang Gerry ang pinaka-excited sa lahat sa first TV exposure ni Baby Nate sa Party Pilipinas.

Nakatutok daw ito sa TV at pag-uwi daw nila ng bahay, nan­dun na raw si Mang Gerry na guwapung-guwapo raw sa kanyang apo.

Kaya isinama na raw nila si Baby Nate sa number ni Regine para makita at ma-feel naman daw ng kanilang baby ang trabaho ng kanyang magulang. Nakita naman daw nilang napapangiti ito nang nakitang kumakanta si Regine. Parang familiar pa raw sa bagets ang kinakanta ni Regine dahil iyun daw ang isa sa ipinaririnig sa kanya pag pinapatulog ito.

BOOM: Nakausap namin si direk Rico Gutierrez kahapon at naghahanda na raw siya ng meeting niya kahapon para ma-finalize na ang pelikulang ididirek niya kay Sen. Bong Revilla.

Malaking proyekto ito dahil kung matutuloy, makakasama ni Sen. Bong sina Robin Padilla at Angel Locsin.

Nabasa namin ang storyline at maganda ang takbo ng kuwento at napaka-challenging ng role na gagampanan kung sakali nina Robin at Angel.

As of yesterday, gusto raw nina Robin at Angel na gawin pero hindi pa matitiyak kung papayagan sila at kung magkakasundo sa script.

Matinding pag-uusap pa raw iyun para mapagbigyan sila na hindi rin ma­dedehado si Sen. Bong.

Gustung-gusto sana ni Sen.Bong na matuloy ito bago niya gawin ang pang-MMFF nila ni Vic Sotto at baka ka-join na rin si AiAi delas Alas.

Show comments