^

PSN Showbiz

Helen Gamboa, nanakawan ng alahas sa taping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Extended pala until October ang Walang Hanggan. Mismong si Tita Helen Gamboa (Donya Margaret) ang nagkuwento, isa sa pinaka-inaabangang character sa nasabing teleserye ng ABS-CBN.

Bukod kasi sa kinamumuhian siya ng marami, kinabibiliban din ang mga sinusuot niyang damit sa nasabing palabas. “Sa akin lang lahat ‘yun. Mga binibili ko ‘yun sa abroad na inilagay ko sa maleta nung wala pa akong ginagawang soap. Kaya nang biglang duma­ting ang Walang Hanggan, marami na akong mga naka-ready na susuutin,” kuwento niya nang maka-table namin sa party for Tito Ricky Lo na organized ni Manay Echu Maceda at ginanap sa Vera Perez Garden last Saturday night.

At wala siyang niri-recycle na damit niya. As in hindi siya nag-uulit dahil feeling niya ay matandain ang mga nanonood kaya big no no sa kanya ang magsuot nang nasuot na niya.

Sa mga alahas naman niya, ingat na ingat na pala siya dahil may nawala na siyang mga alahas sa taping noon (Tayong Dalawa) na hindi niya rin ma-explain kung paano nangyari dahil dalawang assist­ant naman ang kasama niya – ang isa ay nakatutok sa kanya at ang isa ay nakabantay sa dressing room niya. Pero obviously nasalisihan pa rin siya dahil nawala nga ang ilan sa mga mamahalin niyang alahas.

Kaya ngayon, extra careful ang magaling na aktres sa mga alahas na ginagamit niya.

Samantala, dahil sa sobrang effective ng role niya maraming nagsasabi na maghahakot siya ng best actress award sa susunod na awards season.

“Kahit nga si Coco (Martin) ‘yan ang sinasabi,” natatawang reaksiyon niya.

Maging ang husband niyang si Sen. Tito Sotto ay minsan ay pinagsasabihan na siya na bawasan naman ang sobrang kasamaan niya sa character ni Susan Roces (Ate Henya).

Pero amazed siya na kahit maraming nagagalit sa sobrang kasamaan niya, ang daming bumabati sa kanya sa tuwing nasa mall siya kabaliktaran sa ini-expect niya. At nagpapa-picture pa sa kanya.

Kaya naman, may mga inggit sa kanyang role.

May isang beteranong aktres daw na gustung-gusto ang role ni Tita Helen. Pero confident ang mi­sis ni Sen. Sotto hindi siya nito maagawan. “Malayong mangyari ‘yan dear,” sabi niya sabay ha­lakhak.

Anyway, bukod kay Tita Helen, present din sa nasabing dinner for Tito Ricky sina Ms. Susan Roces na ang lalaki ng dalang saging na tanim niya sa kanyang farm. ‘Di ko na inabutan si Vice President Jejomar Binay. Naki-party din sina MTRCB Chairwoman Mary Grace Poe-Llamanzares, Armida Siguion Reyna and her daughter-in-law na magaling na scriptwriter - Bibeth Orteza, Annabelle Rama and Eddie Gutierrez, the controversial Jun Lozada, Danny Dolor, Malou Choa Fagar, Lawrence Tan, June Torrejon, Tita Ethel Ramos, Dolor Guevarra and her daughter JP, Shirley Kuan, Emma Guevarra and Girlie Rodis, Jo-An Maglipon, Raul Tidalgo, at kami nina Tito Ronald Constantino, Ian Fariñas, Mario Hernando, and Tita Chit Ramos.

Sharon pro-Dolphy  for National Artist!

“I think tito Dolphy should be proclaimed National Artist,” tweet ni Megastar Sharon Cuneta kahapon.

Lumalakas ang clamor sa pagiging national artist ng hari ng komedya.

Naungkat ang tungkol dito nang may isang kongresista na nag-recommend na gawing national artist si Nora Aunor. Pero mas maraming nagre-request na unahin si Mang Dolphy.

KAYA

NATIONAL ARTIST

NIYA

PERO

SIYA

SUSAN ROCES

TITA

TITA HELEN

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with