Kapamilya child star epektibo na sa mother role!

Hindi ko alam ang eksaktong edad ni Sharlene San Pedro. Ang alam ko lamang, isa siya sa mga maipagkakapuring child stars ng ABS-CBN na pi­nag­katiwalaan ng isang napa­kalaking challenge sa kanyang career.

Pinaganap siya ng role ng isang batang ina, yes, isang ba­tang ina, sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na tinu­tukan ng marami nung Sabado dahil ang lahat ay hindi sigurado na makakaya niyang gampanan ang role. She proved them all wrong! Hindi lang niya kina­ya ang role, nagawa pa niyang makumbinse ang lahat ng nanood na ang mga sing-gu­lang niya ay puwede ng maging ina sa tunay na buhay. Na ang dating napapanood nilang batang artista ay nagdadala­ga na.

Kahit marami ang nanghihilakbot sa mapangahas na hakbang na ginawa ng Goin’ Bulilit star, lu­bos ang pasasalamat ni Sharlene sa pagkakataong ibi­nigay sa kanya ng network para ipamalas ang kakayahan niya sa pag-arte at isabuhay ang isang kuwentong umantig sa puso ng mga manonood.

“Masaya po ako na ako ang pinili ng MMK para sa nasabing episode. Kakaiba at very challenging po kasi ’yung role at sigurado po akong kapupulutan ng aral,” anang kabataang artista na gumanap bi­lang Gigi, isang batang puno ng pangarap at sa pagnanais na mapabuti ang buhay ay nagkusang huminto ng pag-aaral upang kumita bilang isang kasambahay. Ngunit isang trahedya ang nagwasak sa kanyang kabataan dahil sa pagsasamantalang ginawa ng kanyang amo.

Ang galing ni Sharlene! Nakatulong ng malaki ang maraming taong experienced sa pag-arte. She credits her fine performance sa suporta na ibinigay sa kanya nina Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cher­ry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno, at Edrilyn Ocam­po, sa ilalim ng direksiyon ni Don Cuaresma.

Medyo mahirapan ang direktor dahil sa kaselanan ng tema ng kan­yang istorya at kabataan ng kanyang artista. Pero kahit inala­gaan pa niya ng lubos si Sharlene, lumabas ang natural na galing nito sa pag-arte. For the first time, nakita ng mga manonood na hindi na bata ang batang artista, hinog na ito for more mature roles.

Samantala, nalilinya na talaga sa mga palabas na mga batang artista ang bida ang Kapamilya Network. Pagkatapos magpasikat ni Sharlene sa pagganap sa isang maselang role sa nangungunang dra­ma anthology sa bansa na Maalaala Mo Kaya, isa pa ring kabataang Kapamilya ang magiging tampok sa isa pang teleserye ng ABS-CBN ngayong summer. Siya si Ella Cruz, kaeskuwela ni Shar­lene sa Goin’ Bulilit. Una siyang tumatak sa mga manonood bilang batang Cristine Reyes sa Dahil sa Pag-ibig. Isa naman siyang sirena sa Aryana na susuportahan nina Pokwang, Tonton Gu­tierrez, De­siree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Rustica Carpio, at Lotlot de Leon.

Sina Erick Salud at Lino Cayetano naman ang magdidirek ng bagong palabas.

Richard naitsapuwera ng Singko dahil kay Derek

Sina Richard Gomez at Derek Ramsay naman ang iniintriga ngayon dahilan lamang sa pinili ng TV5 ang huli para siyang mag-cover ng Olympics games na magaganap sa London, UK.

“Di ko lang alam kung nauna nang naipangako ang trabaho sa beteranong aktor at nagbago lamang nang dumating ang bagong recruit. Kaya ang bawat kampo ay walang sawa nang kalilitanya ng kakayahan ng dalawa para sa nasabing gawain and in the process nadadalirot ang kanilang edad na sabi ng kampo ni Goma ay pabor sa kanya dahil sa mas may karanasan siya pero sinagot naman ng kampo ni Derek na mas bagay sa kanya dahil mas nakababata siya.

Show comments