PIK: Excited si Kuya Boy Abunda sa indie film na Intoy Syokoy na ipo-produce niya dahil gandang-ganda siya sa script na sinulat ni Jerry Gracio.
Nag-workshop ang main cast na sina JM de Guzman, LJ Reyes, Joross Gamboa, at Kenneth Salva para ma-familiarize sila sa role na gagampanan nila. Pero mas kabado si LJ sa pelikula dahil ibang-iba ito sa mga nagampanan niya noon at kailangan niyang magiging daring dito. Nakahanda naman siyang gawin ito, pero nati-tense pa rin siya, at hindi aniya alam kung talagang kakayanin ba niya.
Magsisimula silang mag-shooting ngayong linggo at matindi rin ang paghahanda ni JM sa role na gagampanan niya bilang Intoy. May babaguhin pa sa look niya, kaya pinaghahandaan na rin niya ito.
Itong Intoy Syokoy ay ididirek ni Lem Lorca at entry ni Kuya Boy sa New Breed category ng Cinemalaya 2012.
PAK: Totoo kayang break na rin sina Iwa Moto at Leandro Muñoz? Nasa Amerika pa ang aktor pero kapansin-pansin sa mga tweets ni iwa na nag-i-emote na naman siya.
Kasabay nang panganganak ni Janna Dominguez na binuntis ng dating dyowa niyang si Mickey Ablan, madrama ang tweet ni Iwa na halatang available na naman.
“’Pag may nawala sa ’yo, ’wag kang malungkot. Laging tandaan, may BETTER na dadating,” say ng aktres.
BOOM: May panibagong statement na ilalabas ngayong linggo si Ara Mina kaugnay sa kasong isinampa laban kay Cristine Reyes.
Wala pa kaming ideya kung ano ang bago niyang sasabihin pero mukhang pursigido ang aktres na ituloy ang kaso.
Hindi niya sinasagot ang mga tawag ng Viva Artists Agency dahil nararamdaman niya siguro na pag-aayusin lang sila. Hanggang ngayon ay masamang-masama ang loob niya sa kapatid dahil hindi man lang na-appreciate ni Cristine ang lahat na ginawa niya.
Ang isa pang lubhang nalungkot sa nangyari ay ang mommy nila na tahimik din at ayaw nang magsalita tungkol sa gulo ng magkapatid.