Regine may malaking party sa PP

MANILA, Philippines - Bongga ngayong Linggo ang Party Pilipinas ng GMA 7 dahil dito ipagdiriwang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang kaarawan.

Sa Fantastic Terrific Wonderful Party Pilipinas, bibigyan ng royal welcome si Regine habang ipinagdiwang ang espesyal na araw niyang ito.

Hahataw din sa dance floor ang maiinit at naggagandahang talent ng PP. Abangan ang nagbabagang performance nina Heart, Carla, Rhian, Sarah, Michelle, Vaness, Sam, Max, Rochelle, Ryza at Bianca.

Magpaparinig din muli ng kanilang magagandang boses ng classic hits ng The Journey sa Vox sina Kyla, Rachelle, Maricris, Jonalyn, Aicelle, Julie, Krizza, Lovely, French, at Jaya.

Magbibigay naman ng sarili nilang bersiyon ng mga timeless hits ni Rick Ashley ang Keso Boys.

Ang mga residenteng biriteras naman ng Party Pilipinas na sina Jolina, Rachelle, Kyla, Jensen, Lirah, Lovely, at La Diva ay sasama sa P-Pop Sensation na Down to Mars para sa isa pang eksklusibong palabas.

Sasayaw sa tugtog ng Sayaw Pilipinas crew ang xlr8.

Pakikiligin muli kayo ng pinakapaboritong love team ng linggo na sina Julie Anne at Elmo kasabay ng special birthday number ni Elmo kasama sina Kristoffer at Enzo.

Makiki-jamming pa rin kina Janno at Ogie ang Kamikazee at Sponge Cola na dalawa sa mahuhusay na banda ng kasalukuyang henerasyon.

Show comments