Gabby hindi na namimili ng leading lady!
Inamin ni Gabby Concepcion na talagang ang pangarap niya ay maging isang piloto.
“Gustung-gusto ko talagang maging piloto kaya lang color blind ako kaya hindi nakapasa. Ikalawa kong pangarap ay maging isang dentista kaya nag-enroll ako sa UERM. Pero nagsimula na akong gumawa ng pelikula sa Regal Films kaya laging puno ng mga tagahanga ang classroom namin at nade-delay ang simula ng klase kaya nag-quit na lang ako,” sabi ni Gabo.
Pero ngayon isa na siyang matagumpay na licensed real estate broker sa Amerika. Kare-renew lang niya ng lisensiya.
Kapag hindi abala sa shooting o taping ay naroon siya sa kanyang beach house sa Lobo, Batangas. Mahilig siya sa magagandang tanawin at isang paraan para siya makapag-relax.
Bida si Gabby sa pelikulang The Mommy Returns na katambal sina Pokwang at Ruffa Gutierrez. Inamin din ng aktor na hindi siya mapili sa leading lady. Ang mahalaga ay mayroon siyang trabaho.
American Pie Reunion, walang putol
Nakalusot sa mapanuring mata at “gunting” ng mga board members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang American Pie Reunion na punumpuno ng katatawanan. Nabigyan ito ng rating na R-18.
Tumalakay ang movie sa masturbation, homosexuality, adultery, at iba pa na bukod sa katatawanan ay hinaluan ng kaelyahan.
Tampok sina Jason Biggs, Shannon Elizabeth, Alyson Hannigan, Chris Klein, Natasha Lyonne, Thomas Ian Nicholas, Tara Reid, Sean William Scott, Mena Suyari, Eddie Kaya Thomnas, Jennifer Coolidge, at Eugene Levy sa direksiyon nina Jon Hurwitz at Hayden Schlossberg.
Palabas na ang sex comedy sa May 2 mula sa Solar-UIP.
- Latest