Kris at James hindi kayang magpa-picture na magkasama!

Nag-celebrate si Bimby Aquino Yap ng kanyang 5th birthday last April 19 sa The Blue Leaf Events na nasa McKinley Hill sa The Fort. Present ang parents ng bagets na sina Kris Aquino at James Yap, pero wala kaming nakitang picture nila together sa pictures na na-post sa Twitter.

Dahil hindi na active sa Twitter, walang nabasang birthday message si Kris para kay Bimby, pero si James, nag-post ng message sa kanyang Twitter at Facebook accounts.   “Happy 5th birthday to my little boy. Always remember na nandito lang si Papa for you. Papa loves you so much!”

Inalam namin kung ano ang birthday gifts nina Kris at James sa kanilang anak, wala pang maisa­got ang aming tinanong.

Rufa Mae pinag-isipan ang sasabihin sa mga bossing ng GMA 7

Ang sabi, may meeting si Rufa Mae Quinto sa mga bossing ng GMA 7 dulot ng desisyon niyang mag-resign na sa Showbiz Central. Tsika sa amin, maraming mga kaibigan ang aktres na tinanong kung ano ang kanyang sasabihin pagharap niya sa GMA 7 management. Gusto raw nito, tamang mga salita ang sasabihin para siguro payagang mag-resign sa Sunday show.

May mga nag-iisip namang inunahan lang ni Rufa Mae ang network dahil mag-e-expire ang kontrata niya sa Channel 7 sa April 30. Marami naman ang humihiling sa Kapuso Network na ‘wag pakawalan ang aktres na naging loyal sa kanila.

Young aktor muntik nang makawala sa GMA

Muntik nang pumirma sa kabilang network ang isang male young star (MYS) na in-introduced sa isang show ng GMA 7. Na-depress yata ang bagets nang patayin ang karakter niya sa first show niya at inisip na baka hindi na masundan ng ibang show dahil wala siyang kontrata sa Channel 7.

Bale ba tempting ang offer ng kabilang net­work dahil may show agad siya at isa sa maka­kapareha ng bidang young actress. Mabuti at nakipag-meeting muna si MYS sa management ng GMA 7 at sa tulong ng kanyang ni­nong, naayos ang gusot at pumirma na ito ng kontrata sa istasyon.

JC sinundan ng kagalit niyang TV exec

Mabilis na kumalat ang balitang nasa TV5 na si Ms. Wilma Galvante bilang consultant ng network. Si JC de Vera agad ang naalala namin dahil ibig sabihin, pareho na silang taga-Kapatid network ng TV executive na rason nang pag-alis niya sa GMA 7.

Sa pinakahuling press visit namin sa set ng Valiente, natanong si JC kung babalik siya sa GMA 7 once his contract with TV5 expires dahil nag-retire na si Ms. Wilma? Ang sagot ng actor ay “kung tatanggapin nila ako. Pero masaya ako sa TV5, dito muna ako at dito ang puso ko.”

Hanggang March 2013 pa ang kontrata ni JC sa TV5, may one year pa siya at wish nitong i-renew ang kanyang kontrata dahil naibibigay sa kanya ang nababagay sa kanya at hindi siya nababakante ng trabaho.

Show comments