^

PSN Showbiz

Cristine nasadlak sa putikan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Poor, poor Cristine Reyes. Mukhang sinira niya ang pagpapakahirap ng kanyang network sa pagbi-build up sa kanya, Sa isang iglap, biglang gumuho ang mataas na pagtingin sa kanya ng publiko.

Gaano man kamoderna ang pag-iisip nating mga Pinoy, hindi natin tanggap ’yung pag-aaway-away ng mga magkakadugo. Galit tayo sa mga hindi rumerespeto hindi lamang sa ating pamilya kundi maging sa ibang tao.

Sana nga makaahon si Cristine sa putik na kinasadlakan niya ngayon.

Toni lalo pang nagpapaganda

Kapuri-puri si Toni Gonzaga sa pagnanais niyang mas mapaunlad pa ang kanyang sarili. In fact, she’s one of the few actress na ganun. Maraming artista ang walang pakialam sa kanilang mga sarili. Nakakalimutan nila na bilang artista ay may obligasyon silang magmukhang artista at all times.

Marami kasing artista ang naturingang artista lamang pero walang kaayus-ayos. Parang ordinaryong tao lamang.

Si Toni talagang ginagastusan ang sarili para lagi siyang maganda at mukhang artista. Sa ganitong bagay dapat pamarisan siya ng marami. Kaya naman ngayon ay endorser siya ng Belo Medical Group.

Angel at Phil lumalalim na ang relasyon

Habang nagtatagal lalong lumalalim ang relasyon nina Angel Locsin at football player Phil Younghusband. Kung dati ay parang showbiz tandem lang sila, ngayon parang malakas na contenders na sila for marriage in the near future.

Both Angel and Phil ay hindi na itinatago ang kanilang relasyon at para kumukuha sila ng inspirasyon sa isa’t isa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARTISTA

BELO MEDICAL GROUP

BOTH ANGEL AND PHIL

CRISTINE

CRISTINE REYES

GAANO

PHIL YOUNGHUSBAND

SI TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with