‘Sinungaling’ pala ang isang actress-TV host.
Kasi hindi naman pala totoo ang mga sinasabi niya na kaya siya pumayat ay dahil sa natural na paraan as in sa kasipagan niyang mag-exercise.
Pumayat pala siya dahil nagpapa-treat siya sa isang beauty clinic na minsan ay pinupuntahan pa siya kahit 2:00 a.m sa kanyang place para gawin ang procedure. Pero sa tuwing tatanungin siya kung bakit siya pumayat, consistent ang sagot nitong dahil sa kaka-gym niya.
Kaya sa inis daw ng mga tao sa beauty clinic, hindi na nila uli ito pinag-interesang kuning endorser na siyempre ay wala na rin siyang libreng procedure para pumayat. Tumaba kaya uli siya?
Susan Roces malaki ang malasakit sa Senior Citizens
Dahil sa sobrang pagmamalasakit sa senior citizens, puwede na sigurong maging representative ng partylist ng mga may edad si Ms. Susan Roces.
No.1 supporter kasi talaga siya ng kapwa niya senior citizens (pero she still retained her movie star classic good looks and regal bearing).
Kaya naman nakaka-relate siya sa mga problema ng mga ito. At isa sa urgent concerns ng tulad niya ay ang tungkol sa mga gamot para sa kanilang nararamdamang sakit na hindi na maiwasan sa tulad nila.
Kaya nga madalas niyang sabihin : “When old people get together and talk among themselves, kadalasan ang pinag-uusapan na talaga ay ang mga sakit sa katawan and which types of medicines they take to ease the pain.”
Kasi nga naman ang mga may edad na tulad nila ay umaasa na lang sa kanilang pensions o sa kindness ng kani-kanilang mga anak or mga apo para mabili ang mga kailangan nilang gamot.
“Masuwerte ang mga matatandang may naipon at may mahuhugot. But many are really financially challenged. So it’s really a big help to many
Filipinos that there are still high quality but affordable medicines that they can purchase,” sabi ni Susan.
Kaya seryoso ang movie queen na ikampanya ang Ritemed (the uni-branded line of medicines of Unilab) kung saan siya ang ambassadress particularly sa kampanyang ‘Bawal ang Mahal!’
Kaya naman ini-encourage niya ang public na bumili ng nasabing produkto dahil hindi ito masakit sa bulsa.
In a recent thanksgiving lunch for Dr. Alfredo R.A. Bengzon aptly called Isang Pagkilala at Pasasalamat sa Ama ng Generic Medicine, pinasalamatan ni Ms. Susan ang dating Health secretary na kilala na tinuturing na ama ng Generic Medicine. “Maraming salamat, Dr. Bengzon. Mahal ka ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga senior citizen na katulad ko, pinagaan mo ang aming buhay,” sabi nang naiwang misis ni Da King Fernando Poe Jr..
Mas mura kasi ng 40 to 80% ang RiteMeds kesa sa mga branded drugs.
Hindi man siya naging first lady noon, baka nga ito ang kapalaran niya, ang magmalasakit sa mga kapwa niya may edad na nag-iisip na mahuhay pa ng matagal.
Goma nagpabanat ng balat sa Belo
Kaya naman pala bumata ang hitsura ni Richard Gomez ay dahil nagpa-Belo siya - Ultheraphy - isang high density focused ultrasound para ma-tightens ang balat.
Ito pala ang rason kaya parang naging papalicious pa si Goma lalo na nang mag-judge siya sa Binibining Pilipinas last week.