^

PSN Showbiz

Mga payo para maiwasang umitim sa tag-init

-

MANILA, Philippines - Kapag ganitong tag-araw ay masarap mag-outing lalo na sa beach kaya ang ating buhok at balat ay natutuyo dahil sa tindi ng init ng araw.

Ngayong umaga, 10:00 a.m. sa GMA News TV, sa programang Life And Style With Gandang Ricky Reyes ay tumutok dahil ang ating mahal na katsika at kapusong host na si Mader Ricky ay may mga payong ibibigay kung paano maiiwasan ang mga problemang pangkagandahan.

Rarampa ang isang bagong karakter sa programa. Ito’y si Akira Lakwatsera na tunay na isang cute komedyante. Kasama ang ilang tsokara’y aaliwin kayo ng tropang beki na nakasuot ng mga “sea creatures” at magdidiskusyon tungkol sa mga nakalo­lokang sitwasyon sa ating mundo.

Babalik din tayo sa Golden Sunset na matatagpuan sa Calatagan, Batangas para makita ang mga bagong handog dito tulad ng birds sanctuary, boating, fishing at evening movie watching.

Sa paraisong ito’y meron ding body and facial massage, foot spa, at iba pang serbisyo para sa mga lalake’t babae na workaholic at minsan lang magkaroon ng pagkakataong ma­kapagpahinga.

Para sa usapang pampabyuti, laging samahan si Mader sa LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision.

AKIRA LAKWATSERA

BABALIK

BATANGAS

CALATAGAN

GOLDEN SUNSET

KAPAG

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

MADER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with