^

PSN Showbiz

Masaker na kagagawan ng adik susuriin ni Gus Abelgas

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Sisiyasatin ni Gus Abelgas ang bawat anggulo at ebidensiya sa pagpatay sa isang pamilyang pinagsasaksak sa loob mimso ng kanilang tahanan sa Caloocan City ngayon, (Abril 20) sa SOCO: Scene of the Crime Operatives.

Kalunus-lunos ang sinapit ng pamilya Agullo na minasaker ng isa diumanong lulong sa droga na naudyok na patayin ang mag-anak na may-ari ng negosyong video karera dahil hindi ito pinautang ng P200.

Sa susunod na Biyernes (Abril 27) naman, masasaksihan ang serye ng krimen sa Laguna simula pa noong Mayo ng nakaraang taon na umano’y tatlong kalalakihang adik ang may gawa. Kabilang na rito ang pangho-holdap, carnapping, at pagpatay sa pamamagitan ng pag-chop chop. Dahil sa isang impormante, natugis ng kapulisan ang tatlong kriminal na katatapos lamang ng shabu session.

Abangan ang mga kuwento sa likod ng mga krimeng ito ngayon, (Abril 20) at sa susunod na Bi-yernes (Abril 27) kasama si Gus Abelgas pagkatapos ng Ban­dila sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Aga namasyal sa Batanes

Walang pagsubok na inaatrasan si Aga Muhlach. Lumangoy na ang tanyag na actor kasama ng mga butanding sa Sorsogon at nilabanan niya rin ang ma­tin­ding lamig ng Alaska. Pagdating sa paghahatid ng mga kapana-panabik na mga adventure, si Aga ang maaasahan ninyong kasama. Ngayong Linggo sa Pinoy Explorer, panibagong adventure ang gagawin ni Aga sa pagpunta niya sa Batanes. Dito ay papasukin niya ang Torongan Cave sa Itbayat Island — ang pi­na­kahuling isla sa hilaga ng Pilipinas na may naninirahang mga tao.

Matapos ang nakakapagod na paglalakbay sa Torongan Cave, mararanasan naman ni Aga ang manirahan sa isang tahanan sa Itbayat. Wala ang mga kaginhawahang nakasanayan niya sa siyudad gaya ng aircon at kuryente, mag-survive kaya si Aga sa lugar na ito?

Mula sa Itbayat Island, tutungo si Aga sa isla ng Sabtang. Dito makikilala ni Aga si Noli Gabilo, isang dating mangingisda na ngayon ay isa ng tanyag na photographer. Expert si Noli sa pagkuha ng travel photos at ang mga kuha niya ng Batanes ang madalas na nakikita natin sa mga websites at magazines. Dadalhin ni Noli si Aga sa bayan ng Savidug kung saan marami pang nakatayong stonehouses--ang tipikal na tirahan ng mga Ivatan.

Bago matapos ang kanyang adventure sa Batanes, isang pagtatanghal ng sayaw na palo-palo ang gagawin ng mga kabataang Ivatan at hindi pahuhuli si Aga sa mga ito! 

Abangan ang kakaibang paglalakbay ni Aga sa Batanes Islands ngayong Linggo, Abril 22, 6:30 p.m. sa TV5.

GMA News and Public Affairs, panalo ng tatlong World Medals sa 2012 New York Festivals

 Muling pinatunayan ng GMA News and Public Affairs ang world-class na galing ng mga Pilipino matapos nitong makapag-uwi ng tatlong Silver World Medals at anim na Finalist Certificates sa 2012 New York Festivals TV and Film Awards na ginanap noong April 17 sa NAB Show sa Las Vegas.

Panalo ng Silver World Medal para sa Social Issues and Current Events category ang I-Witness epi­sode na Lapnos. Dalawang Silver World Medals naman ang naiuwi ng Front Row ng GMA News TV – isa sa Social Issues category para sa episode ni­tong Yaman sa Basura at isa rin sa Biography/Profiles category para sa dokumentaryong Bente Dos. 

Tanging GMA 7 at GMA News TV lamang ang local channels mula sa Pilipinas na nakapag-uwi ng Silver World Medals ngayong taon.

Umani rin ng tatlo pang Finalist Certificates ang iba pang GMA entries kabilang na ang Gintong Putik ni Kara David para sa I-Witness; ang GMA public affairs special na Report Card na pinangunahan nina GMA News pillar Mike Enriquez at Kapuso hunk Dingdong Dantes; at ang The Born Expeditions Finale: The Monster of Mae Klong and The Great White Shark ng Born to Be Wild.  

Tatlo ring Finalist Certificates ang naiuwi ng GMA News TV.

Nakakuha ng Finalist Certificates ang historical do­cudrama nitong Pluma: Si Rizal, Ang Dakilang Ma­nunulat; at dalawang Reel Time episodes na Lusong at Tira. 

‘Tres Marias’ sa Tunay Na Buhay ngayongBiyernes

Ngayong Biyernes ng gabi sa Tunay na Buhay ng GMA , tampok ang tatlong dalagitang itinuturing na pasaway, magulo, at sakit ng ulo ng kani-kanilang pamilya at barangay sa Binangonan, Rizal.

Sa murang edad na 14 at 17, sina Mel, Jenny at Abby (hindi nila tunay na pangalan) ay marami na raw nagawang  bisyo at kalokohan sa kanilang lugar. 

Impluwensiya ng barkada at kakulangan ng a­­ten­­­siyon ng mga magulang ang itinuturong dahilan kung bakit nagkaganito ang tinaguriang Tres Marias   ng Rizal.

Magbago pa kaya ang tatlo o tuluyan na silang ma­­­papariwara? Tunghayan ngayong Biyernes ng gabi sa Tunay na Buhay pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

ABRIL

AGA

BATANES

BIYERNES

FINALIST CERTIFICATES

GMA

GUS ABELGAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with