Isa na namang napakahalagang relasyon ang nabuwag sa pagsasampa ng demandang libelo ni Ara Mina laban sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes dahil sa mga itini-text nito sa kanya at mga pinagsasasabi sa Twitter account nito, tungkol din sa kanya. Dati nang nag-away ang magkapatid pero dahil iisa lang naman ang dugo na dumadaloy sa kanilang mga ugat kung kaya nagbati rin at nagkaayos sila.
Pero dahil marahil sa kanilang trabaho kung kaya marami ang nagpaparating sa kanila ng mga salita at marami ang nanggagatong kung kaya nag-aaway na naman sila.
Pero ang lahat ay nagsasabing dapat ay magkaayos na sila o dapat ay may umayos sa kanila dahil hindi gawain ng magkapatid ang pinaggagagawa nila.
Mayor ng Pandi dating basted kay Mariel
Had she wanted to, Mariel Rodriguez could have been Pandi, Bulacan’s first lady today, Niligawan siya noon ng ngayon ay mayor ng nasabing umuunlad na bayan pero hindi marahil sila ang nakatakda kaya naging Mrs. Robin Padilla si Mariel at isa namang pediatrican ang nakatuluyan ni Mayor Enrico Roque na sa pamamahala ngayon sa Pandi, Bulacan ay unti-unti nang nakikilala ang kanyang lalawigan. Mayroon na itong Pandi College, Pandi District Hospital, at Pandi Commercial Center.
Isang dati lamang matagumpay na negosyante si Mayor Roque na maraming naging kaibigan sa showbiz kung kaya inakala ng lahat na magiging artista siya. Maging ang isa sa pinaka-malapit niyang naging kaibigan sa showbiz na si Cristy Fermin ay matagal siyang kinumbinsing mag-artista pero tumanggi siya.
Sapat nang magkakaibigan sila at kung may maitutulong sila sa kanila ay gagawin niya.
At that time mayroong 39 na sangay ng Bodega ng Bayan. Ito lamang ay kumakain na ng lahat niyang oras.
Gustuhin man niyang subukan ang maging artista, talagang hindi puwede. Nagsisimula na ring dumating ang alok na pumasok ng pulitika pero maging dito ay hindi siya nagkaroon agad ng panahon. Isa niyang kapatid ang sumubok at naging pangalawang alkalde ng Pandi. Nang mamatay ang mayor ng Pandi, wala na siyang dahilan para tumanggi. Gusto ng lahat na pamunuan niya ang Pandi. Pati kapatid niya had to give up his vice mayoralty position to accommodate him. It was an overwhelming success.
Kung itatanong mo kay Mayor Roque ang sikreto ng kanyang tagumpay, ibibigay niya ang kredito sa kanyang pagiging isang matagumpay na negosyante. Napaka-importante na para magtagumpay sa pulitika ay isa kang matagumpay na negosyante. Now he leads by example. Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nasa munisipyo na siya at nagtatrabaho na.
Ang Bodega ng Bayan ay ipinamamahala na niya sa kanyang mga kapatid. Bukod sa kanyang mga ginagampanan na tungkulin bilang ama ng Pandi ay mayroon na siyang pinagkakaabalahan ngayon, ang Amana Water Parks na unti-unti nang tumutulong para mas makilala pa ang kanyang lalawigan. Isa itong theme park na nakatayo sa isang mahigit na anim na ektaryang lupa. Nadagdagan ito ng mahigit na apat pang ektarya nang mabili niya ang karatig lugar nito kaya naging mas malawak pa ito ngayon. Nakakuha siya ng isang Malaysian investor at kapag pinalad silang magkasundo sa negosyo, in two or three years’ time ay maging pangunahing theme park sa bansa ang Amana Water Park.
Ngayon pa lamang ay dinarayo na ang lugar sa mga amenities na matatagpuan dito. Bukod sa isang pinamamalaking wave pool na naglalabas ng 13 waves, ang pinakamarami at pinakamalaki sa bansa, mayroon itong karagdagang anim pang swimming pools na pambata, pang-adult, at isang spa pool. Pinaka-in demand na libangan sa loob ang pinakamahabang zipline na ang theme park lamang ng Amana ang nag-o-offer. May night swimming din na offered at overnight stay.
Airconditioned rooms na may king size beds at extra mattresses can be had.
Christopher sa mas mataas na posisyon na kakandidato
Lilinya rin pala sa pulitika ang paborito kong aktor na si Christopher de Leon. Kung sabagay, kasalukuyan na siyang Bokal ngayon sa Batangas. Ang pagtakbo niya sa susunod na eleksiyon sa isang mas mataas na posisyon ay isa lamang patunay na kaya niyang gampanan ng sabay ang pag-aartista’t pagpu-pulitiko.
Kahit mangangahulugan na lilimitahan na niya ang pag-aartista niya kapag nahalal siyang muli, suportado pa rin siya ng maraming tagasubaybay niya sa showbiz ang bago niyang political journey.