^

PSN Showbiz

Maiinit na eksena nina Angelito at Rosalie ikinaloka ng fans

-

MANILA, Philippines - Tinutukan ng sambayanan ang pagtatapos ng kuwento ni Angelito (JM De Guzman) sa seryeng Angelito: Batang Ama ng Dos noong Biyernes (April 13) matapos itong pumalo sa national TV rating na 18% kontra 14.1% ng kalabang programa base sa datos ng Kantar Media. Mataas na ang naturang rating para sa isang late afternoon soap at kadalasa’y nakakapalo lamang ng ganito kataas ang early noontime shows. Kaya naman todo pasa­salamat ang buong cast at crew sa lahat ng sumuporta sa kanila. Bago pa man malaman ang rating ay nauna na itong naghandog ng pasasalamat sa fans sa ginawang special screening sa Dolphy Theater sa ABS-CBN kung saan sabay-sabay na pinanood ng mga taga-suporta ang finale episode kasama ang kani-kanilang idolo na pinangungunahan nina JM De Guzman, Charee Pineda, at Kaye Abad. Tutok na tutok ang lahat sa mga madamda­ming eksena ng episode at todo hiyawan naman sila sa kiligang Angelito at Rosalie (Charee Pineda). Tuluyan ng dumagundong na sa sigawan ang venue ng mangyari ang mapangahas na kissing scene ni JM at Charee. Parehong basa at nakalusong ang dalawa sa may batis habang mahigpit na magka­yakap at mainit na naglalaban ang kanilang mga labi. Nang intrigahin ng fans pagkatapos ng screening ay pawang ngiti na lang ang naisagot ng on screen loveteam. Ngayon pa lang ay inaabangan na ang kanilang next projects o kung muli bang magsasama sina JM, Charee, at Kaye sa isang soap. Kabilang din sa mga dumalo sa special screening ang iba pang cast members na sina  Elizabeth Oropesa, Al Tantay, Jason Francisco, Tom Rodriguez, Devon Zeron, Josef Elizalde, Lemuel Pelayo, Beauty Gonzalez, Joshen Bernardo, Bea Basa, and Eliza Pineda. 

AL TANTAY

BATANG AMA

BEA BASA

BEAUTY GONZALEZ

CHAREE PINEDA

DE GUZMAN

DEVON ZERON

DOLPHY THEATER

ELIZA PINEDA

ELIZABETH OROPESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with