Idinaldal ni Pauleen, Vic at Pia hindi pa rin nag-uusap kahit magkasama araw-araw sa EB

Kung maraming talents ng GMA 7 ang naglipatan sa ABS-CBN tulad nina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Jake Cuenca, Paulo Avelino, at Iza Calzado to name a few, marami rin ang nanggaling sa Kapamilya Network ang lumipat sa Kapuso Network tulad nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Heart Evangelista, Claudine Barretto, Paolo Paraiso, Geoff Eigenmann, Pauleen Luna, Glaiza de Castro, at iba pa. 

Sa surprise birthday dinner para sa actress and workshop teacher na si Beverly Vergel na ginanap sa isang resto-bar sa Greenhills, San Juan last Wednesday evening, nakita namin ang bagong inspirasyon ngayon ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna. Ang payat nito ngayon unlike before na namimintog ang katawan. 

Ayon sa TV host-actress, may kinalaman sa kanyang pangangayayat ang kanyang pagkakaroon ng cysts sa kanyang ovary na malamang maging dahilan para hindi siya magkaanak.

Marami ang hindi nakakaalam na si Pauleen ay discovery ng actress na si Beverly. Estudyante siya noon ni Bev sa summer acting workshop at siya na rin mismo ang nag-recommend sa bata pa noong si Pauleen kay Johnny Manahan ng Star Magic. Si Pauleen ay napabilang sa Star Circle Batch 11 kasama sina Carla Humphries at Glaiza de Castro.

Although magkasama sina Pauleen at Pia Guanio na ex-GF ni Vic, wala umano silang gap sa isa’t isa dahil magkaibigan sila. Pero itsinika ni Pauleen na hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap sina Vic at Pia kahit magkasama sila araw-araw sa Eat Bulaga.

Samantala, nagtataka ang marami kung bakit hindi gaanong naaalagaan ng GMA si Pauleen. She could have been a big star by now kung nabibigyan lamang ito ng magagandang role at proyekto.

Show comments