Magkapatid matindi ang away, Ara kinasuhan ng libel at grave coercion si Cristine

PIK: Kapansin-pansing ang laki nang ipinayat nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga pagkatapos nilang mag-break.

Namataan namin si Heart sa premiere night ng pelikulang Busong ni Alessandra de Rossi na ginanap sa Cinema 4 ng EDSA Shangrila.

Iniwasan ni Heart na pag-usapan ang tungkol sa break-up. Pero nagbigay din ng pahayag kaugnay sa nangyari sa nangyari sa relasyon nila ni Daniel.

Ayon kay Heart: “There’s nothing permanent, there’s always change and you just have to always get ready for that. I’m okay naman.”

Sa E Bar naman ng EDSA Shangrila rin, dumalo naman si Daniel sa event ng Mega magazine at nagsalita rin ito tungkol sa kanila ni Heart.

Ayon kay Daniel; “I just want to apologize but I have nothing to do because every relationship there’s good and bad and this is something that I didn’t expect to happen.”

PAK: Totoo kayang gusto na raw ni Rainier Castillo na bumalik sa GMA 7?

Tapos na rin pala ang kontrata ni Rainier sa TV5, pero wala pang renewal, at pinag-iisipan daw nitong maging Kapuso talent uli.

Pero ang latest na narinig namin, naging problema raw ito ng Mommy niya dahil nakipag-live in na raw ito sa girlfriend niya.

Ang dati niyang girlfriend na si Stef Prescot ang nagbuking dahil kapitbahay pala nito ang girl na karelasyon ngayon ni Rainier.

BOOM: Marami ang nagulat sa pag-file ni Ara Mina ng kasong Libel at Grave Coercion laban sa kapatid niyang si Cristine Reyes.

Isinampa ni Ara ang naturang kaso laban sa kapatid sa Quezon City Hall of Justice.

 Umiiyak ang aktres na nagpaliwanag sa media na kailangan niyang gawin para mabigyan daw ng leksiyon ang kapatid na sobra na raw ang pinaggagawa sa kanya.

May mga pruweba si Ara na sinisiraan daw siya ni Cristine sa text at pati sa mga kaibigan niya ay kung anu-anong paninira ang itini-text nito.

Nagulat daw ang Viva Artist Agency sa ginawa ni Ara dahil pareho silang mina-manage at hindi raw ito ipinaalam sa kanila ni Ara.

As of presstime, wala pa kaming nakuhang reaksiyon mula kay Cristine.

Show comments