Natuloy kaya ang meeting ni Katrina Halili kahapon kay Ms. Lilybeth Rasonable? Tungkol sa tweets niya patungkol kay Marian Rivera sa set ng My Beloved ang pagpapatawag ng bossing ng GMA 7 kay Katrina at tsika sa amin, pinabubura ang mga nauna niyang tweets at pinatitigil nang mag-tweet.
Pero nang silipin namin ang Twitter account ni Katrina, mababasa pa rin ang series of tweets niya na kahit walang name na binanggit, alam kung kanino siya may isyu. May naniniwalang inunahan lang ni Katrina si Marian at ang staff ng My Beloved sa nangyari sa taping last April 13.
Tinotoo raw nito ang pagsampal kay Marian, gayung ang usapan ay dayang sampal ang gagawin. After ng eksena, deretso raw si Marian sa tent nito at nagsunuran ang staff, cast at pati si Direk Dom Zapata para i-tsek si Marian at naiwan si Katrina. Kinabukasan, may series of tweets na si Katrina.
Ayaw magsalita ni Marian, ang manager na si Popoy Caritativo ang nag-issue ng statement, pero sino ba ang dapat magsalita para malaman ang totoong nangyari noong April 13?
Open sa kampo ni Marian, Katrina, at mga taga-My Beloved ang kolum na ito!
Kris tumigil na sa pagti-tweet, sinunod ang payo ng mga kaibigan
Nami-miss ng kanyang followers sa Twitter si Kris Aquino dahil tumigil na ito sa pagtu-tweet dahil sa payo ng mga taong malapit sa kanya. Sa kanyang Kris TV at biglaang interview na lang nakikibalita sa kanya ang fans.
Anyway, tuluy-tuloy ang taping ni Kris ng teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw at Kris TV.
May bago na naman palang e ndorsement si Kris at sa Friday ang shoot niya ng TVC na inililihim pa ni Kris kung ano.
Dennis hirap maglagare
Hirap si Dennis Trillo sa paglalagare sa shooting ng mga pelikulang Boy Pick-Up at Ang Katiwala na entry sa 2012 Cinemalaya dahil sobrang magkaiba ang kanyang role at karakter.
Sa Boy Pick-Up, siya si Bagwis, kontrabida kay Ogie Alcasid at BF ni Sarah Lahbati. Sa Ang Katiwala, taga-barrio ang karakter niya at kailangang paitimin.
Mabuti na lang at hindi sumasabay sa schedule ni Dennis ang taping ng Biritera, but at least, hindi kailangang baguhin ang hitsura niya.
Masaya ang actor sa balitang extended ng ilang weeks ang teleserye niya sa GMA 7.
Bea at Jake wala pang kasunod na show
Congratulations sa mga bida ng Alice Bungisngis na sina Bea Binene at Jake Vargas dahil sila ang napiling Most Promising Love Team ng Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.
Tiyak na matutuwa ang fans nina Bea at Jake sa bagong award ng favorite love team nila at hindi sila nagkamali nang susuportahang tambalan. Kaya lang, mukhang mababawasan ang shows ng dalawa dahil malapit nang matsugi ang Tweenhearts at wala pang balita kung ano ang susunod nilang soap after Alice Bungisngis.