Ang bilis naman. Break na raw sina Presidente Noynoy Aquino at Grace Lee sabi ng isa kong friend na visible sa Palasyo ng Malacañang. Agad-agad? Hindi pa nga sila umaamin officially na sila na nga, break agad.
Pero walang makunan ng confirmation ang friend ko na madalas ka-rubbing elbows ang mga government officials.
Basta maugong daw ang bulung-bulungan sa Palasyo na hiwalay na sila. May agad daw natuwa sa nasabing tsismis.
Meaning tapos na rin ang maliligayang araw ni Grace Lee? Ma-headline pa kaya siya sa mga balita ngayong split na raw sila?
Ewan pero as of presstime, wala pang official statement ang Palasyo tungkol sa kuwentong ito.
Sagot sa balitang bentahan na P45 billion ‘Walang offer si MVP na acceptable sa amin’ – GMA 7
Sinagot ng GMA 7 ang lumabas na news article sa Philippine Star tungkol sa hindi natatapos na isyu na binibili ni Mr. Manny Pangilinan ang GMA 7.
Ang GMA Network President and Chief Operating Officer na si Mr. Gilberto R. Duavit, Jr. ang nagsalita para linawin ang balita.
Ayon kay Mr. Duavit, hindi totoo na ang dalawa sa tatlong major stockholders ng GMA “are already amenable to selling their respective 33-percent stake.”
Dagdag niya, na ang major and controlling shareholders ay hindi pa nakakatanggap ng offer na presyo na puwede nilang tanggapin.
“We are presently not in serious negotiations with the PLDT group as we have not yet received an offer price that is acceptable to us. The Network is not for sale but that is not to say it may not be sold, depending on the offer price,” paglilinaw ni Mr. Duavit sa panibagong isyu ng bentahan ng kanilang network na lumabas sa business section ng no. 1 broadsheet sa bansa last Saturday - “MVP offers up to P45 B for GMA Network.”
Klinaro pa ni Duavit totoong may bentahan noong 2001 na muntik nang umabot sa pirmahan ng Memorandum Of Understanding sa pagitan ng may-ari ng GMA at ng grupo ng kumpanya ng telepono. Pero ang nasabi umanong transaction ay hindi nag-materialize dahil sa mga issue na na-encounter ng bibili sana at hindi sa sinasabing disagreement sa P14 bilyon na presyo noon.
Lumabas sa artikulo na P45 billion ang offer ni MVP ngayon para makuha ang kabuuan ng GMA 7 na kalabang network ng pag-aari niya ngayong TV5. Pero P55 billion daw ang hinihingi ng majority owners ng Kapuso Network ayon pa sa lumabas na artikulo.
At kasama sa sinasabing payag na magbenta si Mr. Duavit.
Reliable ang source nang nagsulat kaya may basehan siya. ‘Yun nga lang baka sa ibang kampo nanggagaling ang kuwento.
Mga rumampang kandidata sa Binibining Pilipinas parang mga regalo ang hitsura
Pinintas-pintasan man ang pagho-host ni Xian Lim sa Binibining Pilipinas last Sunday night at na-memorize ng mga nanood ang favorite word niyang ‘very well,’ napatunayan naman niyang may potential siya sa pagho-host. At true, grabe ang energy niya kahit na nga hindi niya rin memoryado ang script nila dahil binabasa niya ang mga sinasabi niya sa hawak-hawak niyang papel.
Ay isa pa palang pintas sa katatapos na Binibining Pilipinas na umere sa ABS-CBN last Sunday night ay ang mga chakang gown ng ibang kandidata.
Ang dami kasing parang gift wrapper lang ang hitsura ng mga suot nilang gown. Pero may ilan din namang magaganda pero mas marami ang chaka. Kahit ang nanalong Miss Universe na si Janine Tugonon, nilalait ang suot.
May ilan ding namintas na mas marami ang mas maganda kesa sa nanalo. Pero hindi ka naman puwedeng mag-isip na baka bet ‘yun ng organizer dahil santambak ang judges na kilala sa kani-kanilang field.
Anyway, sana nga ay manalo rin si Janine tulad nang nagpasa sa kanya ng koronang si Shamcey Supsup.