Ruffa napapataas ang kilay sa pangalang Amalia

Marami sa mga nasa studio ng Paparazzi nung Linggo ng umaga ang nakapansin sa pagtataas ng kilay ni Ruffa Gutierrez kapag nababanggit ang pangalan ni Amalia Fuentes. Natanong kasi ang mga co-hosts niya sa showbiz talk show na nagdiriwang ng kanilang second anniversary kung sino ang pinakapaborito nilang artista na na-interview o gustong ma-interview at dalawa sa kanila, sina Zoren Legaspi at Dolly Ann Carvajal, ang nagbanggit sa pangalan ng dating Sampaguita–VP actress.

Obviously, affected si Ruffa sa away ng kanyang ina at ng dating aktres at kahit pa hindi naman siya nagsasalita tungkol dito, hindi maiwasan na makita ang reaksiyon niya kapag nababanggit ang aktres.

Samantala, kabilang sa apat na nag-host ng Paparazzi na nasa bagong oras na 11:30 a.m.-12:20 p.m. nung Linggo si Mariel Rodriguez. Nakapag-ipon na pala ng mga tagahanga at followers ang misis ni Robin Padilla na sinusundan siya sa lahat niyang guesting sa programa ng TV5. Parang isang debutante si Mariel at pinaka-formally dressed sa suot niyang pink na gown na gawa ni Francis Libiran. Akala nga ng marami ay birthday niya pero hindi pala.

Pinangangatawanan pa rin ng Paparazzi ang regular na pagbibigay ng mga isyu, intriga, at kontrobersiya na siyang regular staple ng programa. Ito ay sa kabila ng nagdiriwang ito ng anibersaryo at kinakailangang maging masaya ang mood ng programa. Nagbigay din ito ng unang set ng Paparazzi Awards tulad ng Best in Attendance Award, (Jillian Ward); Eksenadorang Aktor at Aktres Award, Aga Muhlach at Sharon Cuneta; Kurot sa Pusong Eksena Award, Katherine Luna; Paboritong Kaeksena Award, Derek Ramsay. Sa susunod na linggo ang kabuuan ng iba pang awards.

Gretchen na-diet sa mga pagkain ng Bhutan

Hindi akalain ni Gretchen Barretto na mahihirapan siya sa Princess and I, hindi dahil sa pag-arte kundi sa trabaho kasi kinailangan nilang pumunta sa isang bansa na medyo laid back at hindi kasing moderno ng Pilipinas.

“Wala akong kaalam-alam tungkol sa bansa, mula kultura, lengguwahe at pati pagkain. Nadyeta nga ako ng husto dahil sobrang maanghang ang food dun at makeso. Masyadong fatty.

“But I enjoy playing the role of queen Ashi Behati. I had to learn to speak in Dzongkha. But more than being a queen, I had to play a mean character pero ’yung patago, subtle ang pagiging mean. Kaya I have to resort to subtle acting, ’yung sa tingin lang ay nakukuha na ang gusto, naipapaabot na ang gustong mangyari at sabihin,” sabi niya.

For her role, Gretchen has to be thankful sa lahat ng workshop na kinuha niya. But more than the things that she’s learned, it’s the emotions that she’s accumulated.

“I’m blessed to have seen pain and joy, bliss, rejection, frustrations, and many other emotions that can use in my role,” sabi ng kontrobersiyal na aktres.

Nora magtuturo ng kanta at magbibigay ng scholarship sa Tawi-Tawi fans

Sa kabila ng kanyang pananahimik simula nang siya ay dumating mula sa US, marami palang  pinagkakaabalahan si Nora Aunor kasabay ng paggawa niya ng isang indie film na ang shooting ay sa malayong Tawi-Tawi pa sa Mindanao kinukunan. Labin-limang araw siyang mananatili run.

As if kanyang-kanya ang panahon niya, kasama sa plano ni Nora ang turuang kumanta ang mga tagahanga niyang mahilig dito. Magbibigay din siya ng scholarship program para mabigyan ng pagkakataong makapag-aral at kumita ang mga fans niya.

Sana nga lahat nito ay magkaroon ng katuparan at hindi manatiling pangarap lamang.

Samantala, nag-aalala na si Lovi Poe sa magiging eksena nila ng Superstar sa kanilang pelikula kay Dante Mendoza.  May kaba ang young actress dahil first time nila ito ni Nora bagama’t ina-assure siya ng kanya namang mga tagahanga at followers na hindi man siya makaagapay sa magaling na aktres ay walang pupuna sa kanya dahil nga mas may experience sa kanya si Nora. Mas mahirap kung siya ang makasapaw sa itinuturing na aktres ng dekada. Ito ang dapat pakaiwasan ng nagbabalik-bayang aktres, na baka masapawan siya ng mga baguhang artista ngayon, tulad ni Lovi.

Daniel apektado sa pakikipaghiwalay ni Heart

Sabi na nga ba sa hiwalayan mauuwi ang dalawang taong relasyon nina Heart Evangelista at Brazilian model na si Daniel Matsunaga na nasa Brazil pa at nagpapagaling matapos maoperahan sa ilong para siya makahinga ng mabuti. Mismong ang ina ni Heart ang nagkumpirma ng balita na matagal nang umiikot pero hindi kinukumpirma ng dalawa.

Napapansin na kasi ang madalas nilang hindi pagsasama sa mga okasyon ng showbiz. Nadagdagan pa ang hinala nang lahat ng dalawa nang umuwi ng Brazil si Daniel na para namang hindi ipinag-aalala ni Heart.

Sa break-up ng dalawa, parang ang mas naapektuhan ay si Daniel na pansamantalang namaalam mula sa kanyang Twitter account matapos aminin na nagugulat siya sa mga kaganapan. Inaasahan ng lahat that Daniel will mend his broken heart in silence. Wala pang news kung kailan ito magbabalik ng bansa o kung magbabalik pa ba.

Show comments