Kahit hiniwalayan siya, Daniel nakiusap na irespeto si Heart

Nalungkot ang Twitter followers ni Daniel Matsunaga sa latest tweets nitong nakiusap na irespeto si Heart Evangelista at ’wag nang tanungin about their break-up.

Kundi pa love ang itatawag dito, ewan na lang namin!

May tweet pa si Daniel na nagpangiti sa mga nakabasa. Sabi nito: “I will miss Yogi Bear” na kundi kami nagkakamali ay ang alagang aso nila ni Heart. Nasa Brazil pa si Daniel, babalik pa kaya siya sa ’Pinas? Sabagay narito ang sister niya na nakapag-asawa ng Pinoy, kaya may pamilya siyang babalikan rito.

Jewel at Jason, hiwalay na rin

Totoo ba ito? Break na raw sina Jewel Mische at Jason Abalos, nakisabay sila sa maraming break-ups sa showbis ngayon. Nang tinanong daw si Jewel, ang sabi lang ay “it’s not meant to be.”

Wala na kaming contact kay Jewel mula nang lumipat siya sa ABS-CBN, dati nagti-text ito at nakikibalita. Hindi tuloy namin matanong kung true na “single” na uli siya.

May naghiwalay din daw na TV power couple, pero hindi pa kumpirmado, kaya ‘wag muna nating pangalanan.

Movie nina Jose at Wally sisimulan na

Sa May na raw sisimulan ang shooting ng bagong pelikula nina Jose Manalo at Wally Bayola na produced ng APT Entertainment. Si Soxie Topacio ang director ng movie at script ni Phil Noble ang Sayo Ang Pritil Sa Akin Ang Bangkusay. Nagpakita ng maiksing teaser ng movie sa concert nila at ‘dun pa lang, marami na ang natuwa.

Break na pala...

Break na pala ang TV host (TVH) at Korean DJ-model na nasulat naming may relasyon. Hindi nagtagal ang romansa ng dalawa, hindi pala umabot ng one month na nakakapanibago dahil kilala si TVH sa pagkakaroon ng mahabang relasyon pero itong latest relationship niya ang bilis natapos.

Hindi pa nga nagsasalita si TVH tungkol sa relasyon nila ng Korean beauty tapos na agad, kaya ’di kami mag-i-expect na aamin pa ito. Pero ang Korean beauty, nag-tweet ng “Can I just say, I DON’T HAVE A BOYFRIEND.”

So, ano ’yung nakita sila ni TVH sa Baguio Country Club noong Holy Week? Silang dalawa lang at nakita pa nga siyang naka-tsinelas lang doon. May nag-react tuloy sa nabalitang break-up ng dalawa na wala nang Linggo nang Pagkabuhay. Ano ba?

Kapamilya aktor isasalang sa movie nina Lovi at Jennylyn

Sana matuloy ang balak ng Regal Entertainment na pagsamahin sa pelikula sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado at sana’pag natuloy ang movie, hindi na baguhin ang story na nakuwento sa amin dahil maganda. Ganda rin ng role ng dalawa at pag-aagawan ang isang Kapamilya actor. Shooting na!

Show comments