Inaabangan na ang kuwento ng Princess and I na magtatampok sa royal cast na sina Albert Martinez, Gretchen Barretto, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Khalil Ramos, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo.
Sa presscon ay sinabi ni Albert na nag-enjoy siya sa kanyang karakter bilang isang hari ng Yangdon. Nagandahan siya sa lugar na dinayo pa nila — ang Bhutan — kung saan nasaksihan nila ang tunay na ganda ng lugar at kultura ng kaharian.
‘‘I found peace sa Bhutan dahil sa sobrang ganda at tahimik ng lugar.
Super lamig din. Para itong Baguio noong 1920,” paglalarawan ng aktor.
Balot na balot ang kasuotan ni Albert bilang hari kaya hindi maiwasang itanong kung hindi ba siya nahirapang kumilos o umihi.
‘‘Okay lang naman. Hilahin ko lang ito ayos na,’’ biro ng aktor sa damit.
Role of a lifetime ang Princess and I para kina Gretchen at Albert na para silang tunay na hari at reyna.
Palabas na ito ngayong Lunes, Abril 16, sa direksiyon ni Dado Lumibao at Francis Pasion.