Seen : Siyam na pelikula pa ang gagawin sa Viva Films ng direktor na si Wenn Deramas.
Siyam na pelikula rin ang siguradong gagawin ni DJ Durano sa Viva Films.
Scene : Wala si Luis Manzano sa victory party ng Moron 5 and The Crying Lady dahil sa taping niya para sa Deal or No Deal.
Thirty-second birthday ni Luis sa April 21 kaya ang nanay niya na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang naglaro sa birthday special ng Deal or No Deal para sa kanyang anak.
Seen : Si Jennylyn Mercado bilang guest player sa Deal or No Deal noong Huwebes.
Kabado si Jennylyn sa unang pagkakataon na pagtuntong niya sa ABS-CBN compound at ang guesting niya sa Deal or No Deal ang isa sa kanyang mga regalo sa boyfriend na si Luis Manzano.
Scene : Hindi lahat ng transgender ay pabor na sumali sa Miss Universe pageant ang mga katulad nila.
Sila ang mga transgender na bukas at malawak ang pag-iisip.
Seen : Nag-umpisa na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz sa paghahanda para sa kanilang kasal sa October 2012.
Excited ang dalawa sa nalalapit na pag-iisang dibdib.
Scene : Nakokonsensiya at nagsisisi si Amalia Fuentes dahil hindi niya pinatawad ang asawang si Joey Stevens bago ito namatay.
Tunay na nasa huli ang pagsisisi kaya dapat nang patawarin ni Amalia ang kanyang mga kaaway.
Seen : Eliminated si Jessica Sanchez sa American Idol Season 11 pero iniligtas siya nina Randy Jackson, Jennifer Lopez at Steve Tyler.
Si Jessica ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto sa performance ng AI contestants noong Miyerkules.
Scene : Ang nangyari kay Jessica ang nagpalakas sa hinala na ayaw ng mga Amerikano na manalo sa American Idol ang isang Asian.