MANILA, Philippines - Napatunayan na ni Angelito (JM De Guzman) ang kanyang paninindigan bilang batang ama at sa huling linggo ng pinakaaabangang serye sa hapon na Angelito: Batang Ama, sino kaya sa dalawang babae sa buhay niya ang paninindigan niya? Si Rosalie (Charee Pineda) na ina ng kanyang anak na si Jun-Jun (Joshen Bernardo) at pinakaunang babaeng minahal niya? O si Jenny (Kaye Abad) na naging katuwang niya sa buhay at pagpapalaki sa kanyang anak sa oras na siya’y walang-wala at itinatama pa lang ang nalihis niyang landas? Walang bibitaw sa pagtatapos na magmumulat sa iyong damdamin sa Angelito: Batang Ama ngayong Biyernes (April 13), 3:15 PM pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.