Kaching Kaching pampasuwerte ng Kapuso
MANILA, Philippines - Kasabay ng suwerteng dala ng Year of the Dragon, magbabahagi ng magandang kapalaran ang GMA 7 sa pamamagitan ng una nitong promo campaign ngayong taon na Kaching Kaching Kapuso.
Sa pamamagitan ng mga Kaching Kaching coins, magkakaroon ng pagkakataong manalo ng limpak-limpak na salapi ang mga masusugid na tagasubaybay ng GMA.
Para sumali, abangan lamang ang mga Kaching Kaching coins na kasalukuyang lumalabas sa iba’t ibang Kapuso shows.
Isulat ang titulo ng programa kung saan napanood ang mga coins at airing date, kasama ang pangalan, edad, address, telephone number at signature sa isang papel kalakip ang proof of purchase (POP), at ilagay sa isang sealed legal-size envelope.
Sa likod ng envelope ay ilagay ang promo title, brand ng proof of purchase, at area ng tirahan.
Tatlo ang masuwerteng magwawagi ng tig-5,000 araw-araw mula sa sumusunod na area: NCR, Luzon, Visayas at Mindanao, at isa ang mananalo ng P20,000 kada-linggo.
Maaaring ihulog ang mga entries mula April 8 to May 5, 2012 sa mga drop boxes na matatagpuan GMA Network Center, GMA Regional Stations, at GMA Radio Stations nationwide as per DOH-FDA permit number 0404, series of 2012.
- Latest