Pakikipagharutan ng singer-actress sa male celeb habang nasa eroplano, totoong-totoo!

Ay, true pala ang tsismis na nakipagharutan ang isang singer-actress sa male celebrity na nakasama niya sa out-of-town show.

Very reliable ang source ko pero hindi ko na sasabihin ang buong detalye ng naganap na landian portion. Tama na ‘yung na-prove ko na nagsinungaling ang hitad nang i-deny niya ang pakikipagharutan sa male celebrity na chick magnet.

Pugad nina Shalani at Roman hindi pa rin tapos

Kausap ko si Shalani Soledad-Romulo noong Miyerkules ng gabi at ang sabi niya, hindi pa tapos ang renovation ng bahay nila ni Congressman Roman Romulo kaya hindi pa siya makapag-imbita.

Hands-on ang pag-aasikaso ni Shalani sa renovation ng love nest nila ni Papa Roman at malaking challenge ‘yon para sa kanya dahil siya ang tinatanong ng contractor sa mga kulay ng pintura at klase ng bubong na gagamitin.

Naninibago si Shalani dahil kapag sinabi niya na kulay blue ang gusto niya, anong klase ng blue ang tanong ng contractor dahil maraming klase ng blue.

Naiintindihan ko ang dilemma ni Shalani dahil naranasan ko rin ang magpa-renovate ng bahay. Very true na maraming klase ng kulay na blue dahil merong royal blue, midnight blue, sky blue, light blue, indigo blue, at kung anik-anik pa.

Eh malapit na ang birthday ni Shalani. Magdiriwang na siya ng birthday sa April 24 at first birthday niya bilang Mrs. Roman Romulo. Sinabi ko sa kanya na kahit hindi pa tapos ang renovation ng bahay nila ni Papa Roman, imbitahan niya ako sa kanyang birthday para masilayan ko na ang kanilang pugad. Pugad talaga o!

Foundation ni Pacman inintriga ng TMZ

International sports personality si Congressman Manny Pacquiao kaya pinapatulan ng mga international news agencies ang lahat ng mga balita na may kinalaman sa Pambansang Kamao.

Ganoon yata talaga ang buhay, kung kailan nagbabalik-loob sa Diyos ang isang tao, saka lumilitaw ang mga pagsubok.

Pati ang isang sikat na entertainment website sa Amerika, naki-join na rin sa pang-iintriga kay Papa Manny.

Ang www.tmz.com ang website na tinutukoy ko dahil sila ang nagpapa­putok sa balita tungkol sa bagong kontrobersiya na kinasasangkutan ng foundation ni Papa Manny. Lumabas ang report ng TMZ noong April 3 pero hindi ako sure kung sinagot na ni Papa Manny ang intriga.

“The Manny Pacquiao Foundation is lear­ning the hard way ... used clothes do NOT count as ‘relief goods’ in the Philippines ... this according to a lawsuit obtained by TMZ.

Manny’s charity is being sued by a logistics company which claims they were hired by the MPF to ship several containers filled with ‘relief goods’ to Manny’s home country back in 2009.

 “But according to the lawsuit, ‘The containers were inspected by the Philippine authorities and found to have contained used clothing rather than relief goods and have held such containers as a violation of Philippines law.’

 “The logistics company says the goods never made it to the people in need ... because they were confiscated by Philippine officials.

 “In the suit, the company implies Manny’s Foundation is using the incident as an excuse to dodge the $35,805.36 bill ... even though it clearly believes it was the Foundation’s responsibility to correctly label the goods.

 “The shipping company is now demanding the full payment — plus interest. Calls to the Manny Pacquiao Foundation have not been returned.”

Show comments