MANILA, Philippines - Nagkakahalaga ng P4 million in prizes ang mapapanalunan ng tatanghaling pinakaunang grand winner ng inaabangang singing competition ng ABS-CBN na The X Factor Philippines sa pangunguna ni KC Concepcion bilang host.
Ito na ang pinakamalaking papremyo sa isang talent search sa kasaysayan ng Philippine TV kaya naman sa hindi pa nakakapag-audition sa Luzon, Visayas, at Mindanao, may huli pa kayong pagkakataon sa April 12 hanggang 14 para maipamalas ang inyong ‘x factor.’
Maghanda na ng inyong audition piece at pumunta ngayong Huwebes (April 12) sa ABS-CBN Davao, ABS-CBN Cebu, o sa Porta Vaga Mall sa Baguio City.
Pagdating naman ng Biyernes (April 13) ay maari kang mag-audition sa ABS-CBN Complex Cagayan De Oro, Gaisano Capitol, Iloilo, o sa ABS-CBN Compund sa Naga City.
Huling bira naman sa Metro Manila pagsapit ng Sabado (April 14) sa gaganaping audition sa ABS-CBN compound sa Quezon City. Pumunta lamang sa audience entrance.
Ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino na may angking talento sa pagkanta, edad 16 taong gulang pataas. Maaring mag-audition ng mag-isa, may ka-duet, o maari ring bumuo ng trio o kaya naman isang grupo. Magdala lamang ng minus one ng inyong kakantahin sa audition.
Nagsimula sa UK ang The X Factor kung saan tinagurian itong pinakamalaking talent search. Napapanood na rin ang The X Factor sa higit na 30 bansa at may higit sa 50 The X Factor winners na ang napili sa buong mundo kasama na rito si Melanie Amaro, ang unang nanalo sa The X Factor USA noong nakaraang buwan. Sino kaya ang pinakaunang Pinoy na tatanghaling The X Factor winner? (Kane Choa)
Clifford pinayagang mag-guestsa Eat Bulaga ni Joey De Leon
Tuwang-tuwa ang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala dahil nagkita sila ng idol niyang si Joey De Leon sa Venetian Macau nung Holy Week (April 7). Nilapitan niya raw ito at kinausap.
Ipinagmamalaki pa niyang sinabi raw ni Joey na welcome itong mag-guest at mag-promote ng album niya sa Eat Bulaga pag dumating siya sa Pinas.
Kaya naman masigasig niyang tinatapos ang kanyang album na prodyus ni Pacifico “Choi” Perales na ang carrier single ay Only in my Dream na alay niya kay Kris Aquino. Si Allen Pascua ang composer at arranger ng kanyang album.
“Katatapos lang ngayon ng editing and mixing then replication na good for three weeks to one month bago i-release. May duet ako sa album kay Vhen Bautista a.k.a Chino Romero na kumanta ng Maling Akala at kay Jerameel Contretras na isang Christian song singer,” kuwento pa niya.
“Sa lahat ng mga bansa na pinuntahan ko, napag-usapan namin ng mga Overseas Filipino Migrants leaders na magkaroon kami ng fund raising activities para makatulong sa mga less fornunate na kababayan natin sa bansa. Dahil dito nangako ako na tutulong sa kanila. Magbibigay ako ng mga health facilities at konting halaga sa lahat ng mga tumangkilik sa aking album. So, nakikipag-ugnayan ako sa mga overseas Filipino workers sa Hong Kong at Macau,” aniya pa.
Si Clifford Allen ay tinaguriang OFW icon dahil siya rin ang tumutulong sa ilang kababayan nating nangangailangan ng trabaho sa Macau. Idolo rin siya ng ilan nating kababayan gaya ni Jao Quizon Bao, 27 yrs old ng Tuguegarao City, Cagayan Valley. Isa siyang singer sa Tuguegarao na OFW sa Macau. Pag may mga show sa Macau ay nagbo-volunteer na mag-guest para makapagpasaya ng kapwa nya OFW.
“Isasama ko siya sa guesting ko sa Hong kong sa July 2012. Kasi pangarap din nya makakanta sa Hong Kong,” sey pa niya.
Sa mga ibang detalye puwedeng mag-log-on sa website ni Clifford na www.cliffordestrala.com na gawa ni Manny Linsangan. (ROLDAN CASTRO)
Battleship Palabas Na
Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Battleship na pagkatapos ng blockbuster success ng mga toys-to-films na Transformers at G.I. Joe: The Rise of the Cobra, ang kumpanyang Hasbro ay ni-review muli ang kanyang toys/games catalogue at nagfocus sa larong Battleship.
“Battleship is a global brand that has been enjoyed for nearly 40 years in more than 30 countries. It’s known as battleship or Naval Battles, everywhere around the world. People know the game play and understand the face-off nature of it. We knew we could take its compelling elements and play them out in a reimagined manner. Plus, we believed that bringing the alien element into the property would make it contemporary and very universal,” paliwanag ng producer ng pelikula na si Scott Stuber.
Ang kasaysayan : Sa napakagandang Hawaiian Islands, ang international naval fleet sa Pearl harbor ay mapapasabak sa isang mabangis na giyera laban sa mga alien species na tinatawag na mga “Regents” ang mga taga-ibang planeta ay may misyong magtayo ng power source sa ating karagatan dito sa mundo. Sa kanilang pagbisita ay makaka-engkuwentro nila ang international naval fleet. Kakaiba ang pelikulang ito sapaka’t ipinakita ang magkabilang panig ng istorya, mula sa pananaw ng mga aliens, at gayundin sa pananaw ng mga tao, sa ganitong paraan ang mga manonood ay may alam sa lahat ng sandali kung saan naroon ang mga sasakyan ng mga aliens.
Ang Battleship ay nagtatampok sa mga sikat na artista na sina Liam Neeson sa papel na Admiral Shane, si Taylor Kitsch bilang Alex Hopper, si Alexander Skarsgård sa papel na Stone Hopper, Si Brooklyn Decker bilang Samantha, si Reila Aphrodite sa papel na Sam, si Rihanna bilang si Raikes, Josh Pence sa papel na Chief Moore at si Peter MacNicol bilang ang secretary of defence.
Ito ay isang Universal Pictures Presentation na dinirek ni Peter Berg at ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na sa inyong mga paboritong sinehan ngayong Abril.