SEEN : Lucky Punch ang brand ng men’s cologne ni Congressman Manny Pacquiao para sa Bench.
Iba ang Lucky Punch sa MP8, ang Scent of a Champion na inilunsad ni Pacquiao noong 2011 sa Fred Segal store sa Los Angeles, California.
SCENE : Hindi gaanong effective na co-host ng Pinoy Big Brother si Robi Domingo dahil inuuna niya ang pagpapa-cute sa harap ng mga TV camera.
SCENE : Hindi na nakikita si “Pastor” Dennis Roldan sa prayer meeting ng mga investor ng Shemalife, isang networking company sa Cubao. Kontrobersiyal ang dating kongresista dahil binabatikos ng isang anti-crime group ang kanyang pagiging pastor dahil patuloy ang pagdinig sa kidnapping case na kinasasangkutan niya.
SEEN : Bilang respeto sa namayapang asawa, hindi na dapat inuungkat ni Amalia Fuentes sa media ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Joey Stevens.
SCENE : Hindi na kinakagat ng tao ang mga press release na magpapakasal si Rufa Mae Quinto.
Nagkakaedad na si Rufa Mae kaya dapat nang magkatotoo ang mga press release na magpapakasal na siya.
SEEN : Dapat dalasan ni Enrique Gil ang pagngiti dahil hindi bagay sa kanya ang nakasimangot, malungkot, at problematic look upang hindi ma-intimidate ang fans.
SCENE: Napaluha ang mga kasamahan ni Angelo Castro, Jr. sa tribute na ibinigay sa namatay na broadcaster sa Dolphy Theater noong Martes nang hapon. Binalikan nila ang mga masasayang araw na kasama nila si ACJ.