May nagkuwento sa akin na nagpaplano si Mark na magbukas ng sariling clothing line business at target niya na magkaroon ng puwesto sa mga sikat na mall.
Hindi lamang mga damit ang ibinibenta ni Mark dahil may-I-sell din siya ng mga headband, socks, stocking, at kung anik-anik pa.
Magandang halimbawa si Mark dahil alam niya na hindi forever ang pagkakaroon ng showbiz career o ang pagkanta. Kaya nag-iisip siya ng fall back.
Dapat suportahan si Mark ng fans sa kanyang bagong negosyo para maging successful ito.
Sa murang edad, pinatunayan ni Mark na business-minded siya.
Guesting ni Annabelle Rama binantayan
Kahapon ang first taping day ng Pare & Pare, ang bagong show nina Michael V. at Ogie Alcasid.
Si Annabelle Rama ang special guest sa taping na ginanap kahapon sa studio ng GMA 7.
Nalaman ko na si Bisaya ang guest dahil nagmamadaling umalis si Jun Lalin sa lunch date namin kahapon, Pinuntahan ni Jun si Annabelle para bantayan ito. Nag-alala yata si Jun na baka tanungin si Bisaya tungkol sa bagong kontrobersiya na kinasasangkutan nito. Mabuti na raw na nakabantay siya para may pipigil kay Annabelle sa pagsasalita.
Showbiz Personality na mahilig humingi ng pabor, hindi marunong makisama mahilig pa sa datung!
Bad ang ugali ng isang showbiz personality na mahilig humingi ng pabor pero kapag siya naman ang nilapitan para hingan ng tulong, nagtatanong agad ang hitad kung magkano ang kadatungan.
Ganyan kakapal ang fez ng showbiz personality na hindi ko nagustuhan dahil mas importante sa kanya ang datung as in hindi siya marunong makisama.
Aminado ako na harbatera pero hindi ako katulad ng showbiz personality na pera lang ang pinahahalagahan. Gustung-gusto ko nang pangalanan ang hitad dahil kaibigan ko ang kanyang latest victim. Inawat ko lang ang sarili ko na isulat ang name ng showbiz personality dahil mahigpit ang pakiusap ng friend ko na nabiktima niya.
Abo ni Angelo Castro sa fish pond pansamantalang ilalagay
Nakita ko kahapon sa harap ng St. Peter’s Church sa Commonwealth ang maraming sasakyan na nakaparada, pati na ang OB van ng ABS-CBN.
Nang makita ko ang OB van ng Kapamilya network, na-realize ko na kahapon nga pala ang funeral mass para kay Angelo Castro, Jr, sa simbahan na napakalapit sa bahay nila sa Capitol Homes.
Hindi inilibing o inilagay sa crypt ang mga abo ni Angelo. Iniuwi ng kanyang pamilya sa tahanan nila ang urn na naglalaman ng abo ng sumakabilang-buhay na broadcaster. Mananatili ang urn sa tahanan ng mga Castro hanggang mapagdesisyunan ng kanyang mga naulila kung kailan ‘yon ililibing.
Ang fish pond ang favorite spot ni Angelo sa compound nila kaya doon pansamantalang ilalagay ang urn.
Sharon matagal nang hindi nasisilayan
Hindi ko alam ang sagot ko sa mga nagtatanong kung kailan ang airing ng guesting namin ni Mama Cristy Fermin sa Sharon, Kasama Mo Kapatid, ang daily talk show ni Sharon Cuneta sa TV5.
Siguradong malalaman ng buong Pilipinas ang pilot telecast ng Sharon... dahil tiyak na magpapatawag ng presscon ang TV5. Matagal nang hindi nasisilayan sa TV si Sharon kaya excited na ang fans niya sa pagsisimula sa telebisyon ng kanyang talk show.