MANILA, Philippines - Ang bayan ng Binangonan, Rizal ay isa sa itinuturing na mayaman sa kultura at tradisyon. Isang kaugaliang kinamulatan ng mga taga-Binangonan ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid na kung saan matatagpuan ang ‘Kalbaryo’ na lalong pinaaayos at pinaganda ni Mayor Boyet M. Ynares at ito’y nagsisilbing pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista na nagsasadya rito sa siyam na araw na panalangin (lutrina) bilang parangal sa Krus.
Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga kastila sa bansa at dahil naging bahagi na tradisyon ng Pinoy, ito may temang kabataan pag-ibig at pagkakaisa.
Ngayong taon, ang magandang bituin na gumanap sa pelikulang The Road at kasama sa My Beloved at Party Pilipinas na si Ynna Asistio ang gaganap bilang Reyna Elena habang sina Prince Cyrus Villiones ang Konstantino at John Michael Villiones ang Konsorte ni Ynna. Ito ay lalahukan din ng mga piling dalaga sa nasabing bayan sa pangunguna nina Tamara Louise Mangulabnan, Emperatriz at magiging Konsorte din ang upcoming actor ng Star Cinema na si John Cando at mga nagwaging Mr. and Ms. Binangonan Garden of Learners at Lunsad Montessori Development Center.
Panata ang turing sa Santacruzan, ayon kay Gomer O. Celestial, project chairman tuwing May 6, 2012 sa ganap na ika-7 ng gabi.