Kaya hindi makasundo ng mga kapartido, actor-politician parating nasa layasan!

PIK :

Kapuri-puri ang ginawa ng Manila Vice Mayor

Isko Moreno

na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral na may kinalaman sa public service.

Nakapanayam ni Ricky Lo para sa Startalk si Isko na abala sa pag-aaral sa Harvard University.

Ayon kay Isko: “ Nag-apply ako dun sa isang short program. They called Executive Program ng John F. Kennedy School of Government and it has something to do with Crisis Management.

 “They call it Leadership in Crisis wherein ’yung pinag-uusapan natural and man-made crisis.”

Sa totoo , ang dami na niyang pinag-aralan on public administration pero iba itong may kinalaman sa crisis management dahil kailangan ito sa ating bansa.

Malamang na sa mas mataas na posisyon na ang tatakbuhan nito sa 2013 local elections.

PAK: Iniintriga naman itong isang actor-politician na madalas na wala sa lungsod na pinagsisilbihan nito dahil lagi ito sa ibang bansa.       

Ang tawag na nga sa kanya ay “absentee politician” at hindi na kasundo ang mga kapartido niya.

In fairness naman kay actor-politician, hindi naman siya nagbabakasyon lang dahil may kinalaman naman sa trabaho ang paglabas-labas niya.

May mga imbitasyon siya sa ibang bansa at nag-aaral din pero hindi ito ina-acknowledge ng mga kasamahan niya dahil hindi na nga sila magkakasundo.

 Hindi na kami magtataka na sa darating na eleksiyon ay mapahiwalay na ng partido itong si actor-politician.

BOOM: Abala na ngayon ang mga Noranians sa paghahanda ng seleb­rasyon ng 45th anniversary ng Superstar sa showbiz.

 Magkakaroon ito ng pictorial para sa Camera Club Philippines at magkakaroon ng Superstar Press Awards na pipiliin ang pinakamagandang article na nagawa tungkol kay Nora at iko-compile ito sa isang libro na gagawin ni Ricky Lee.

 Kasabay nito ay isi-celebrate din ang 30th anniversary ng classic film niyang Himala.

Pero ngayong taon din ay isi-celebrate ang 50th anniversary ni Vilma Santos sa showbiz at meron ding pinaghahandaan ang Star Cinema sa selebrasyong ’yun.

 Kung matutuloy ito lahat, mabubuhay na naman ang kumpetisyong Nora-Vilma.

Show comments